Zanjoe ayaw pakasalan si Bea, di pa rin handang magkaanak


Finale week na pala ngayon ng Annaliza sa ABS-CBN. Ito yung soap kung saan talaga naming nakita ang pagkaaktor ni Zanjoe Marudo na nakipagtagisan ng husay kina Kaye Abad, Patrick Garcia at Carlo Aquino.

Inamin din ni Zanjoe na nang dahil sa Annaliza ay mas naging mahiligin siya sa bata at sa katunayan ay anak na talaga kung ituring niya ang bidang si Andrea Brillantes, na nag-celebrate ng kanyang ika-11 kaarawan last Saturday.

Sey ni Zanjoe, “Dito ko sa Annaliza naramdaman at naranasan kahit paano kung ano ang hirap at sakripisyo na kayang gawin ng isang magulang para sa anak.”

Kaya nagpapasalamat daw siya na kahit paano ay na-prepare na niya ang sarili if ever mang magiging tatay na siya.But as to how soon, napangiti ang aktor at nagsabing matatagalan pa dahil aniya, “Marami pa tayong mga bagay na dapat na pagtuunan ng pansin.

Hindi basta-basta ang pagiging isang magulang. Gusto ko talagang handang-handa na ako.” Hmmmm, sounds interesting, ha!

Read more...