Mga fans awang-awa kay Sarah, binantaan na ang mga magulang


Although kinikilig si Sarah Geronimo nang matanong na naman siya about Matteo Guidicelli ay tikom pa rin ang bibig ng dalaga when asked about the hunk actor.

As it is, ayaw pa ring pag-usapan ng dalaga ang sinasabing boyfriend niya for fear siguro na mapagalitan siya ng kanyang madir na si Divine. Marami na ang naaawa kay Sarah.

Ang feeling ng fans nito ay masyado nang naabuso ang kabaitan ng dalaga. Marami na siyang isinakripisyo in the past, marami na siyang pinalampas na pagkakataon para lumigaya kaya naman at her age now ay deserve na deserve naman niyang maging happy sa kanyang love life. True na true!

But as it is, tila wala pa ring karapatang lumigaya ang Pop Star. Bawal pa rin yata siyang magka-boyfriend. Parang walang guy na man enough para ipaglaban siya sa kanyang inang si Divine.

Actually, sobrang dami na ang nate-turn off kay Divine dahil sa sobrang kahigpitan nito sa kanyang anak na dalaga. Awang-awa na nga ang mga supporters nito tuwing makikita nilang malungkot ang kanilang idol.

Meron pa nga aming nabasa na pinagbantaan na ang magulang ni Sarah, talagang tinakut-takot nila ang mga ito dahil sa paghihigpit sa kanilang anak.

Read more...