HATI ang atensiyon ko sa dalawa kong anak-anakang sina Sam Milby and Papa Aljur Abrenica dahil magkatapat na raw ang dalawang tubig-serye nila (tubig-serye talaga ang tawag ko! Ha-hahaha!) na Dyesebel (ABS-CBN) at Kambal Sirena (GMA 7) respectively.
Naturally, ang main asset nilang pareho ay ang kani-kanilang magagandang katawan dahil very physical ang said serye. You have to undo your tops para ma-appreciate ka ng TV audience.
Hindi puwedeng pang-Bilbiling Pilipinas ka – kailangang hunk na hunk ang dating mo. Even the girls – the bidas I mean – they have to have curves or else pupulaan sila.
Ang lamang lang ng Dyesebel sa Kambal Sirena ay meron na itong captive audience dahil this has been done several times – a Mars Ravelo classic na sobrang sikat pero ang edge naman ng Kambal Sirena ay open sila for concept and adventure sa script dahil bago ito and hindi sila obligado to be boxed.
Puwede silang mag-explore ng mga bagong ideas, kailangang mahusay ang think tank nila to be at par with the legendary Dyesebel.
Ako? Sisilipin ko pareho from time to time or better yet, hindi ko na lang siguro sila panonoorin pareho para patas ang laban. Ha-hahaha! Pero mas maganda ang mapanood ko sila at some points para ma-advise ko sila kung ano ang strengths nila at kung saan pa sila dapat mag-excel.
Pareho ko kasing love ang dalawang ito, super babies ko talaga. I swear. Walang malisya! Ows? Echoserang frog ako, di ba? He-hehehe! Kay Sam, definitely wala akong malisya pero kay Papa Aljur – I cannot promise. Ha-hahaha! Alam naman nila siguro iyan, di ba?