DOC, ask ko ano pong gamot sa nalalagas ang buhok? – Nita Abas, 52, Digos, ….5768
Madalas na sanhi ng pagkalagas ng buhok ay “stress,” minsan naman ay infection, pwede ring nasa lahi ninyo ang nakakalbo. Kung ano ang sanhi ay siya rin namang gamot, subalit ang pagkalagas na dahil sa lahi mo aymahirap nang gamutin. Pwede kang gumamit ng Minoxidil scalp treatment. Meron ding magandang epekto ang katas ng aloe vera plant.
Hello Doc Heal, Good day po sa inyo. I’m JP, 30 yrs old from Commonwealth, Quezon City. Tanong ko lang po kung anong gamot nitong tuhod at baywang ko na bigla na lamang sumasakit at ang hirap maglakad. Isang linggo ko na itong nararamdaman. Wala naman akong injury sa parte na ‘yun. Hindi po kaya epekto ito sa paghinto ko sa paglalaro ng basketball o pag-jogging kasi busy na ako sa trabaho araw-araw. Doc, sana matulungan ninyo po ako para po sa pamilya ko. Maraming salamat and more power po sa inyo. –…..1825
Pwede kang magpakuha ng uric acid sa blood at ESR para malaman kung gouty arthritis iyan. Ikaw ba ay mahilig uminom ng beer? Pansamantalang uminom ng Myonal 1 tab 3x a day, Celebrex 400mg 1 cap daily.
Good morning, doc. Ask ko lang po kasi tuwing dumudumi ako pagkatapos ay sumasakit ang tiyan ko at kung mabusog naman ako, ang dali kong hingalin. Hinihingal agad ako sa paglalakad at matagal akong dumumi. Maghihintay ako sa sagot ninyo. — ….0895
Kailangan matingnan ang buong gastrointestinal tract mo para masigurado na walang bukol na bumabara rito. Magpaultrasound sa abdomen, sundan ng barium enema at upper GI series, at pwedeng kumpletuhin sa pamamagitan ng endoscopy.
Good morning po doc. Ako po si Lani Nival, 42, ng Pasig City, tanong ko lang po bakit po before and after ng aking monthly period ay sumasakit ang ulo at tiyan at nage-LBM pa po ako. Sana masagot n’yo din po ako, salamat po. God bless. –…1587
Hello, Lani. Epekto ng hormones iyan at nagdudulot ng hormonal stress. Siguraduhin na wala kang endometriosis. Pwede mo itong malaman sa pamamagitan ng pelvic ultrasound.
Good afternoon Dr. Dineros, malayo po kami ng husband ko sa isa’t isa at isang beses sa isang buwan lang kami nagkikita. Kaya nagmamasturbate po ako parati isang beses sa isang araw. 27 yrs old po ako. Nakakasama po ba ito doc? Paki-text nalang po sa sagot, kung pwede. Thanks po. Sana masagot nyo ang aking tanong. – Annie, Davao City, ….4025
Hi Annie, sa pisikal na katawan ay hindi nakakasama ito ngunit sa psycho-emotional dimension ay may negatibong epekto ito. Posibleng pag-mulan ng inner conflict at sexual addiction. Pati na rin ang espiritwalidad ay hindi tumatama dahil ito ay makasarili at makamundo na pananaw.