Kris may type dyowain pero may sabit na


Follow-up ulit sa ibinigay na assignment sa amin ng manager ni Aga Muhlach na si Manay Ethel Ramos na alamin namin kung sino talaga ang manliligaw ngayon ni Kris Aquino dahil base sa Dean of Writers at mga nakapaligid sa TV host ay hindi raw si Bataan Gov. Abet Garcia ang nagpapaligaya sa Queen of All Media.

Nabanggit sa amin na matagal nang magkaibigan sina Kris at Gov. Abet at kung totoong nagliligawan ang dalawa, e, di sana noon pa.

Hanggang sa may nagsabi sa aming may ibang nanliligaw ngayon kay Kris kaya’t na-curious na kami kung sino ito, tinext namin kahapon ang  host ng Aquino-Abunda Tonight, kaagad naman itong tumawag sa amin.

Malambing na tinig ni Kris sa kabilang linya, “Reg, please ibalato mo na lang sa akin ‘wag na nating banggitin o pag-usapan kung sino, birthday gift mo na lang sa akin?”

Humingi kami ng clue, pero aniya, “Hayaan mo na, please?” At dahil mukhang hindi namin mapipilit si Kris ay kumuha kami ng update tungkol kay Gov. Abet na kaibigan daw niya, pero parang hindi kami naririnig ng TV host.

Ito ang naging sagot niya, “Eto na lang, ‘yung taga-Dubai na manliligaw ko, ano na, may closure na, wala na. So okay na ako. He’s Jordanian at very rich than me. Ha-haha!”

Nabanggit namin na sana ang mapili ni Kris ay hindi na babaero para hindi na sumakit ang ulo niya at hindi ‘yung gagamitin lang siya.

May sinabi sa amin ang mama nina Josh at Bimby na talagang ikinatawa namin, “O, natawa ka, may humor na ako now,” sey ng TV host.

Samantala, may prospect pala si Kris noon pa pero may karelasyon na ang guy at in fairness, bagay sila ni Kris. Ang sabi niya sa amin, “Oo nga, kaso hindi na ‘yun pakakawalan ni _____ (kasalukuyang girlfriend).”

Read more...