Agad-agad na nasibak

MAGANDANG araw po. Ako po si Mary ng Valenzuela.

May problema po ako sa work ko. Isa po akong clerk sa isang trading company. Nagkasakit po ako ng ilang araw.

Nung pumasok po ako ay binigyan na agad ako ng termination paper dahil hindi raw sila naniniwala na ako ay nagkasakit kahit na nagsubmit ako ng aking medical certificate. Makatarungan po ba ito?

May isang linggo na po ang nakakaraan at pinigilan na po akong pumasok.

Sana po ay matulungan ninyo ako.
Maraming
salamat po.
Mary

REPLY: Base sa isinaad mo, Mary, may pagkukulang ang employer mo. Hindi ka dapat i-terminate nang walang basehan lalo na at regular ka na at may iprinisinta ka pang medical certificate.

Dapat ay bigyan ka muna ng warning kung may nagawa kang pagkukulang. Pero sa nakikita ko ay wala ka namang nilabag na anumang polisiya o patakaraan ng inyong kumpanya.

Maaari kang pumunta sa DOLE regional office sa Valenzuela at humingi ng tulong sa SENA para idulog ang iyong reklamo.
Ipapatawag ng SENA ang iyong employer upang pagpaaliwanagin kaugnay sa naging kapasiyahan nito.

DIR Nicon
Fameronag
Director for Communications,
Spokesperson
DOLE

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

 

Read more...