DH na lang (2) | Bandera

DH na lang (2)

Joseph Greenfield - March 18, 2014 - 03:30 AM

Sulat mula kay Socorro ng Barangay San Miguel, Iligan City
Problema:
1.      Hindi ako nakapasa sa eksamen sa pagkaguro.  Kaya marami ang aking binigo sa kanilang pangarap.
Pangarap ng mga magulang at kapatid ko na maging ganap na guro ako dahil marangal na trabaho ito rito sa amin.
Nang dahil sakawalan ng trabaho at labis na kahirapan, nag-apply ako bilang DH sa Middle East, bagaman isang amiga ko na ang umuwing sawi at may sakit dahil inabuso siya ng amo niya.
2. Hanggang ngayon ay wala akong trabaho dahil hinihintay ko pa rin ang tawag ng agency.   Itatanong ko lang kung matutuloy kaya ako sa taon ito? Wala rin akong boyfriend, kaya gusto ko ring malaman kung kailan ba ako magkaka-boyfriend? May 21, 1993 ang birthday ko.
Umaasa,
Socorro ng Barangay San Miguel, Iligan City
 Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus  (Illustration 2.) ang nagsasabing bukod sa pangingibang bansa, sa susunod na taon,  matutupad na rin ang pangarap mong magka-boyfriend, hatid ng isang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Virgo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang lalaking magiging first and last boyfriend mo na makikilala mo sa ibang bansa ay nagtataglay ng birth date na 7, 16 o kaya’y 25.
Sa piling ng nasabing lalaki may pangako ng isang maligaya at panghabambuhay na pakikipag-relasyon.
Luscher Color Test:
Upang mapanatili ang suwerte nasaang lugar kaman, laging mag suot at gumamit ng kulay na pula at berde. Ang nasabing kulay ang magdadala sa iyo ng magaganda at positibong kapalaran.
Huling payo at paalala:   
Socorro, ayon sa iyong kapalaran, maghintay-hintay ka lang, dahil tulad ng nasabi na, lilipas ang ilang buwan simula ngayon, sa susunod na taon 2015 sa buwan ng Enero pinakamatagal na sa buwan ng Abril, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran, at sa nasabing pag-aabroad, doon mo na rin makikilala ang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Virgo, na siya na ring magiging first and last boyfriend mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghahambuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending