2 programa ni Aga sa Tv5 tsugi na


Matinding pinabulaanan ng taga-TV5 ang tsikang hindi nagri-rate ang game show na Let’s Ask Pilipinas ni Aga Muhlach kaya tatanggalin na rin ito sa ere.

Magtatapos ang nasabing programa ni Aga sa Marso 28 at papalitan daw ng seryeg Beki Boxer ni Alwyn Uytingco na eere naman sa Marso 31.

Say ng isang taga-TV5, “Season break lang po ‘yung Let’s Ask Pilipinas kasi franchise siya, one season lang ‘yung initial, pero na-extend ng one-month.”

Maging ang Pinoy Explorer ni Aga ay mamamaalam na rin dahil sobrang gastos daw. Kaya ang balik-tanong namin sa taga-Singko ay bakit parehong programa ng aktor ang mawawala? “May mga naka-line up naman pong shows si Aga at may movie pa siyang gagawin kaya hindi naman siya mawawala sa TV5.”

Tinanong naman namin ang manager ni Aga na si Manay Ethel Ramos kung ano ang next project ng aktor at natawa kami sa kanyang sagot, “Wait n’yo na lang!”

At muli naming tinext si Manay Ethel kung anong pelikula at anong movie outfit ang next movie ni Aga. Heto ang nakakalokang sagot ni Manay Ethel bossing Ervin, “Dapat bang maka-scoop ka sa akin?

Alamin mo kung sino talaga ang current (boyfriend) ni Kris A.” Hayan, nabigyan pa ako ng assignment ha. Ha-hahaha!”

Read more...