PSC naglaan ng P50-M sa Asiad

HANDA na ang Philippine Sports Commission (PSC) na masimulan ang pagsasanay ng pambansang atleta para sa Asian Games sa Incheon, Korea.

May P50 milyong pondo na ang inilaan ni PSC chairman at Asian Games Chief of Mission Ricardo Garcia para magamit ng mga atleta sa kanilang paghahanda.

Ngunit hindi pa rin nababawasan ang pondo dahil hindi pa tapos ang usapin sa hanay ng Task Force na kanya ring pinangungunahan at mga national sports associations na nais na magpasok pa ng atleta.

“We are ready to send anyone pero kung hindi handa ang NSA, wala kaming magagawa,” pahayag ni Garcia. Sa naunang plano ni Garcia, noong Pebrero ay dapat nasimulan na ang pagsasanay ng pambansang atleta sa labas ng bansa pero naurong ito ng naurong dahil sa pagpupumilit ng ilang NSAs para madagdagan ang kanilang atleta kaya’t medyo nababahala na siya.

“I’m a little worried. Bumabagal ito because the NSAs are trying to  squeeze in athletes that I feel should not be there. Alam naman ng mga NSAs kung pinipilit nila, lalong dume-delay ang formation ng team natin,” paliwanag pa ni Garcia.

Kasabay nito ay sinabi rin ni Garcia na tila malabo nilang mapaunlakan ang kagustuhan ng ABAP na magkaroon ng dagdag na pondo na nasa P10 milyon para lubusan na matustusan ang kanilang paghahanda para sa Asiad.

Tinitingnan pa ng PSC ang magiging kabuuang gastos ng ahensya sa pagsasanay at kung may matira pa sa P50 milyon ay puwede nilang dagdagan pa ang pondo ng boxing.

Isa sa malaking gastos ng PSC ay ang paghahanda ng mga team sports at ang softball ay nagpasabi na tutulak sa US para sa dalawang buwang pagsasanay.

“Kung di maubos ang P50 milyon, then we can augment the other needs ng boxing. But right now, sa takbo, kukulangin ang P50 milyon,” ani pa ni Garcia.

( Photo credit to INS )

Read more...