Sa murang edad, Andrea Brillantes marunong nang bumuhay ng pamilya


Tween Princess na ang tawag ngayon kay Andrea Brillantes na mas kilala bilang si Anna Liza na nagdiwang ng kanyang ika-11 kaarawan noong March 12.

Simula nang umere kasi ang Anna Liza ay hindi ito napadapa  ng mga katapat nitong programa kaya naman ilang beses itong na-extend hanggang sa umabot ng 10 buwan.

Kaya naman may follow-up project agad ang bagets, ang Hawak Kamay na hango sa awitin ni Yeng Constantino.  Bongga ang Hawak Kamay dahil pinagsama-sama ni Business Unit Head Ruel Bayani ang lahat ng batang artistang pambato ng ABS-CBN tulad nina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat.

“Makakasama nila rito sina Piolo Pascual at Iza Calzado,” say sa amin ni Corporate Communication OIC na si Kane Choa.Kaya lang hindi kami masagot kung kailan ang airing ng Hawak Kamay pero magte-taping na raw sila ngayong araw.

Samantala, hiningan ng birthday wish ang alaga ni tita Becky Aguila at nabanggit niyang magkaroon pa sana siya ng maraming projects at makagawa ng iba’t ibang klaseng role.

Tulad ni Andi Eigenmann na kontrabida ni Anne Curtis sa Dyesebel ay nangangarap din si Andrea na maging, sirena, bukod pa sa bampira, bulag, fairy, pilay at action star.

Bukod sa mga nabanggit na gagampanang papel ay pangarap din ni Andrea na makasama ang magagaling at malalaking artista ng ABS-CBN tulad nina Judy Ann Santos, Bea Alonzo, Anne Curtis, Kim Chiu, Gerald Anderson, Daniel Padilla at Enrique Gil.

Samantala, hindi naman itinanggi ng bagets na bread winner siya ng pamilya kaya masinop siya sa mga kinikita niya para sa future. Si Zanjoe na tatay niya sa Anna Liza at ninong din ay niregaluhan siya ng Iphone 5C noong bininyagan siya.

Tulad ng viewers ng Anna Liza, hanga rin kami sa galing ni Andrea sa akting kaya naman hindi nakagugulat na siya ang nanalong  Best Child Performer sa ginanap na PMPC Star Awards for Television noong nakaraang taon.

Samantala, simula ng umere ang Anna Liza 10 buwan na ang nakaraan ay apat na programang katapat ang namaalam na at ang nakuhang pinakamataas na ratings ng programa ay 27.8% noong Feb 12 at pumasok din sa top three na pinakapinapanood na programa sa buong bansa base sa datos ng Kantar Media.

Read more...