Gerald: Oo aaminin ko, nagkasala ako!

MAGALING nang mag-handle ng relasyon ngayon si Gerald Anderson. Sa kabila kasi ng mga pang-iintriga sa kanila ng kanyang girlfriend na si Maja Salvador, very cool pa rin siya – hindi mo makikitaan ang hunk actor ng pagkapikon o ng pagiging maangas.

Mature na nga ang dating boyfriend nina Kim Chiu at Sarah Geronimo, kaya mas maswerte sa kanila si Maja dahil mas matindi na ngayon ang paninindigan ng Kapamilya actor at kayang-kaya na niyang ipaglaban ang pagmamahalan nila ni Maja, kahit pa nga sa kanyang mga magulang.

In fairness, kahit si Kris Aquino ay hangang-hanga ngayon sa katapangan ni Gerald, kamakailan ay nag-guest kasi ang binata sa late night talkshow nina Kris at Boy Abunda, sey ni Kris, bilib siya sa guts ni Gerald dahil kahit alam nitong super close siya kay Kim ay pumayag pa rin itong umapir sa programa.

Matapang din na inamin ni Gerald na nu’ng nagsisimula pa lang ang relasyon nila ni Maja ay naging mahirap din ang lagat ng GF niya at ng kanyang nanay. Sey ng binata, natural lang naman daw yun sa isang ina pero hindi naman daw ibig sabihin ay tutol ito sa relasyon nila. Sinabihan nga raw niya ang kanyang mommy na mag-relax lang.

Sa isang interview naman tinanong si Gerald kung tingin ba niya si Maja na ang “the one, ito ang tugon niya, “Unfair sa kanya kapag sinagot ko yan. I really want to keep this private, and see how long this will last going that way, because I’ve been in high profile situations and I’ve learned a lot. I’m trying to apply now kung ano yung mga natutunan ko.”

At sa isyu ng pagiging playboy niya, ito lang ang nasabi ni dyowa ni Maja sa interview sa kanya ni Tito Boy Abunda, “I have a big heart, I have a great life and I love to share it with people and mas masarap talaga kapag in-love ka.”

Pero mukhang hindi nakuntento ang TV host sa sagot niya at inulit ang tanong, sumagot lang daw siya ng yes or no?  Iginiit naman ng host na si Boy Abunda na sagutin niya ang tanong ng yes or no kung totoong babaero siya, “I’ve made mistakes and I’m not going to deny it and it made me a better person.”

Samantala, ngayong gabi na magsisimula ang Dyesebel sa Primetime Bida ng ABS-CBN, si Gerald ang isa sa magiging leading man ni Anne Curtis sa seryeng ito, ang isa pa ay si Sam Milby na gaganap namang sireno.

Halaw sa obra maestra ng Hari ng Pinoy Komiks na si Mars Ravelo, ang Dyesebel ay sesentro sa kwento ng dalagang ipinanganak na sirena na si Dyesebel (Anne), ang bunga ng pagmamahalan ng babaeng si Lucia (Dawn Zulueta) at ng sireno na si Prinsipe Tino (Albert Martinez).

Matapos lumaki sa mundo ng mga sirena, isang malaking hamon ang nakatakdang harapin ni Dyesebel sa pagtuklas niya sa daigdig ng kanyang tunay na ina —ang mundo ng mga tao.

Kaya bang talikuran ni Dyesebel ang mundo na kanyang kinalakihan? Matatagpuan na ba niya sa lupa ang inaasam-asam niyang pagmamahal at pagtanggap o dito niya mararanasan ang mas matinding kalupitan?

Makakasam rin sa Dyesebel sina Gabby Concepcion, ZsaZsa Padilla at Gina Pareño, Eula Valdez at Ai Ai delas Alas, sa direksyon nina Don Cuaresma at Francis Pasion, mula pa rin sa  Dreamscape Entertainment Television.

Read more...