Elizabeth Ramsey ilang dekada nang nasa Showbiz pero wala pa ring sariling bahay


Mama Elizabeth Ramsey has so much contribution sa ating radio hosting jobs. Kasi nga, when she guested last Thursday sa “Mismo” program namin ni Papa Ahwel Paz sa DZMM, she has touched so many lives when she shared her story.

Napakaraming kuwento ng buhay niya ang ibinahagi niya sa aming show na nagkataon namang pinanood ng milyong-milyong followers namin sa DZMM Teleradyo worldwide.

We received so many text messages and even calls na sana raw gawin na naming regular ang ganu’n, parang One-On-One and No-Holds-Barred interviews with actors – especially the senior ones.

“Mas marami kasi kaming napupulot na aral from their stories. Tulad ng kay Ms. Elizabeth Ramsey, naiyak ako nu’ng sabihin niyang hanggang ngayon ay hindi pa siya nakabili ng sarili niyang bahay pero hindi naman siya nagpabaya sa kaniyang buong pamilya lalo na sa kaniyang ina.

“Nakakaiyak yung sinabi niyang buong suweldo niya noon sa Clover ay ibinibgay niya sa mother niya at hindi niya ito pinayagang magtrabaho when she lived with her.

Ayaw niyang paghugasin ng plato ang nanay niya – ayaw niyang pagbunutin ng sahig. Napakabait niyang anak. Meron pa bang ganyang anak ngayon?” balik-tanong ng isa naming texter.

“Totoo iyon. One time ay nakita ko ang mama kong naghugas ng plato. Nagalit ako sa kaniya. Binasag ko talaga ang plato sa harap niya. Sabi ko sa kaniya, pag nakita kong nagbunot siya ng sahig, susunugin ko ang tinitirhan namin.

Kasi nga, ayoko siyang mahirapan dahil mahal na mahal ko siya. Di baleng ako ang magpuyat sa katatrabaho huwag lang siya,” ani Mama Elizabeth na talaga namang napaluha sa kuwentuhan namin.

“Am I silly kung sasabihin kong naiyak talaga ako sa kuwento ni Ms. Elizabeth Ramsey?” tanong ni Tito Bong de Leon sa kaniyang sarili na pinost niya sa FB account niya.

Kasi nga raw, naiyak siya habang pinapanood ang interbyuhan naming iyon with the Queen of Rock en Roll na si Mama Beth.
No, Tito Bong! You were just very real – that was just a very human reaction.

You’re not silly when you cried. She just touched your heart. Napakaraming umiyak nung gabing iyon. “Habambuhay kong tatanawing malaking utang na loob sa showbusisness ang buhay ko.

I’ve never regretted na naging bahagi ako ng industriyang ito. Taas-noo kong sasabihin sa lahat na kahit ganito lang ang mukha ko ay minahal ako ng industriyang ito.

Kaya maraming-maraming salamat sa inyong lahat na nagmahal at tumangkilik sa akin,” Mama Elizabeth Ramsey ends.

Read more...