Sarah sa pagiging independent: Saka na kapag 30 na ko!


Ito namang ex-girlfriend ni  Gerald na si Sarah Geronimo, talagang “pipi” pa rin sa tunay na estado ng relasyon nila ni Matteo Guidicelli. Todo-iwas pa rin kasi ang Pop Princess sa kontrobersiyal na pagputol niya sa kanyang buhok.

Sa isang event kasi, muling inusisa si Sarah kung bakit bigla siyang nagpa-cut ng hair, ito’y sa kabila nga ng kanyang kontrata sa isang shampoo commercial na kailangang manatiling mahaba ang kanyang buhok.

Pero hindi raw ito sinagot ng dalaga. Pero nang tanungin ang reaksiyon niya sa sinabi ni Matteo na mas naging hot daw siya with her new look, ang naging tugon ng singer-actress, flattered daw siya, “Oo naman, siyempre!” ang matipid niyang sagot.

Natanong din ang dalaga kung meron na ba siyang planong maging independent sa buhay, tulad ng pagtira nang mag-isa sa isang bahay or condo?  “Ganu’n? Saka na muna, kapag trenta na ako!”

Read more...