Isa pang kontrobersiyal na cast member ng Dyesebel ay si Andi Eigenmann na magiging kaagaw ni Anne kay Gerald Anderson. Kahit na nga ilang beses nang nagbida sa mga teleserye ng Dos, pumayag pa rin si Andi na maging support sa Dyesebel.
Aminado si Andi na pangarap din niyang gumanap na Dyesebel, pero ang nangyari, siya ang kinuhang kontrabida ng classic Pinay sirena. Nahirapan ba siyang mag-adjust sa role niya rito bilang si Betty?
“Para sa akin po, hindi siya mahirap as long as I want what I’m doing. The very reason why I accepted the role was because I knew that I will enjoy it.The adjustment wasn’t a problem at all.
Dagdag pa niya, “Hindi ko naman tatanggapin yung role kung alam kong hindi ako mapapabilang sa isang kuwentong napakaganda at talagang susubaybayan ng mga manonood, at kung hindi itong mga kasama ko ngayon ang makakasama ko.
So, parang the adjustment part isn’t supposed to be the question.” E, ano ang feeling niya na hindi na natupad ang dream niya to play Dyesebel, “Lahat naman yata ng babaeng artista ay hahangaring maging Dyesebel.
But I think Anne more than deserves it. She is very beautiful, and I know na kayang-kaya niyang bigyang katarungan ang pagsasatao kay Dyesebel.
“Masaya po ako dahil ang hangad ko sa pagpasok ko sa industriya ay hindi maging bida. Ang hangad ko po sa industriya ay maibahagi ko ang kaya kong gawin. I believe in this concept, I believe in this story, so I’m honored to be part of it,” hirit pa ni Andi.