Sam mas tumindi pa ang nararamdaman kay Anne


Natawa si Sam Milby sa sagot niyang, “starting over again” ang drama nila ni Anne Curtis sa muli nilang pagsasama sa Dyesebel na mapapanood na bukas ng gabi pagkatapos ng TV Patrol.

Kinumusta kasi ang aktor sa balik-tambalan nila ng ex-girlfriend at dahil natawa siya ay napalingon tuloy si Anne sa binata at sabay tanong, “Ba’t ka natatawa?”

Biglang bawi naman si Sam at sinabing, “Wala, wala! Actually, ang naisip ko nu’ng first day ng taping, magiging awkward ako. It was really nice. Kumbaga, it was starting all over again, ‘yung friendship namin.”

Nagkasama sa Dyosa sina Sam at Anne noong 2009 at naging magkarelasyon, at muling nagkasama sa pelikulang “Babe, I Love You” noong 2010. Pero bago nga matapos ang pelikula ay bigla silang nag-break.

Balik-tambalan ulit ang dalawa sa pelikulang “The Gifted” na nag-umpisang mag-shooting noong 2013 mula sa Viva Films at dito nga sa Dyesebel ngayong taon.

Dating dyosa at ngayo’y Dyesebel naman si Anne, ano ang masasabi ni Sam sa bagong karakter ng aktres. “Oh, she’s doing a great job! Enjoy na enjoy siya sa role niya kaya makikita mo how happy she is,” mabilis na sabi ng binata.

Walang napanood na “Dyesebel” si Sam, “Never ko namang napanood ‘yung mga dating Dyesebel, so I can’t compare her. Sa ngayon, I have no doubt that she is the perfect person to play Dyesebel.

“Perfect combination, she has the right amount of sweetness and sexiness. She’s perfect for the role. I always admire her.
“I’ve seen her grow as a woman and as an artist and as a person.

Masasabi ko ngayon na I admire her more for the woman that she’s become,” pahayag ng aktor. Isang merman ang papel dito ni Sam bilang si Liro at sabi nga niya, mula sa umpisa hanggang katapusan ay topless siya.

Buti na pumayag siyang maging sireno? “May times naman na nakikita na ako onstage na walang shirts, ‘di ba? It just inspires me to be fit, mas conscious ako ngayon na mag-gym para maganda ang labas sa TV.

“Hindi naman sa shy ako or what, sa Dyosa ganu’n din ang character ko. Yun nga lang, it’s an inspiration to stay trimmed. I have always been a health-conscious person. Buong buhay ko actually, ganu’n talaga ako,” paliwanag ng binata.

At dahil machong sireno si Sam sa serye ay iisa ang reaksyon ng netizens, “Kung ganyan kaguwapo ang mga sireno, gusto kong magpakalunod para iligtas nila ako.”

Read more...