Luis tatakbong mayor: Pero mag-aaral muna ako!


Speaking of Luis Manzano, mukhang tuloy na nga ang pagtakbo nito sa 2016 elections. But according to the TV host-actor, bago siya sumabak sa politika, kailangan daw muna niyang mag-aral.

Sa interview niya sa Aquino & Abunda Tonight, tinanong siya kung kailan siya mag-aaral, “Malay natin bukas na ako mag-aral,” ang sagot ng aktor kasabay ng pagsasabing posibleng mayor muna ang takbuhin niya.

Samantala, all-out naman ang support ng kanyang inang si Gov. Vilma Santos sa plano niyang pagpasok sa politics at ito rin daw ang nag-advice sa kanya na mag-aral muna.

Pati raw sa kanyang lovelife ay suportado siya ng ina, kwento nga ni Luis, nang dumalaw daw si Angel Locsin sa bahay nila sinabi ni Gov. Vi na, “Angel, you’re home.” Kilig na kilig din daw ang Star for All Seasons kaya ang ginawa ng actress-politician,  nagpa-autograph kina Luis at Angel para raw may souvenir siya.

Read more...