It’s Showtime Hosts binatikos, gaya-gaya sa Hollywood Stars


USUNG-USO ang selfies ngayon and many celebrities have practiced it. When Ellen DeGeneres took a selfie photo with Hollywood superstars during the recent Oscar Awards, our local actors did the same sa Star Awards.

And now came the It’s Showtime hosts selfie photos which recently came out. Nag-decide ang grupo nina Vice Ganda na magpakuha ng selfie photos now that they’re complete dahil nagbalik na si Vhong Navarro.

The selfie photos were posted on the internet and many netizens took the opportunity to bash the hosts. Gaya-gaya raw ang mga ito kay Ellen. They were saying na copycat lang ang mga ito.

But if one is discerning enough, matagal nang ginagawa ng It’s Showtime hosts ang selfies. Actually, si Vice Ganda ang talagang mahilig sa mga ganito.

We were not surprised at all kung ipinagtanggol man ang noontime show hosts ng kanilang fans sa social media.    “4 ur info, matagal ng ginagawa ng its showtime ang selfie esp. 2 vice…matagal na po yan. di ka lang siguro nanonood ng show n 2 dats y nagmumukhang gaya gaya.

BUT ITS DEFINITELY NOT! sikat lang masyado c ellen kaya naging matunog ang selfie.. duh!” “Dati Na May Mga Group Pics Ang Showtime Host…check check din pag may time… ang Oscars 1st time lang nila gawin with Ellen De Generes.”

“May mga tao talagang makikitid ang utak kung hindi ninyo gusto huwag na mag comment at saka matagal na nila ginagawa yang showtime selfie tignan ninyo sa instagram nila.”

These were the collective arias ng mga kapanalig ng noontime show ng Dos.Oo nga naman. The hosts of ABS-CBN’s noontime show are already into selfies noon pa kaya naman it’s very unfair para paratangan silang gaya-gaya.

Matatawag silang copycat kung ngayon lang nila ginawa ang selfie-selfie na ‘yan, pero hindi, eh. Matagal na nilang ginagawa ‘yan kaya to those bashing them ay mamatay na lang kayo sa inggit.

Still on selfie mode, we saw the Oscar selfie recently posted sa isang popular website. Only this time ay may twist and somebody who altered it ay mukhang TWISTED.

Radio and podcast host Mo Twister posted the famous Oscar selfie with Bubbles Paraiso on it. Obviously, ipinatong niya ang photo ni Bubbles kay Lupita.

It was obvious, too, that Mo took a swipe at Bubbles with his caption, “Just as if it were in Philippine Showbiz, it’s a bunch of A-listers with Bubles Paraiso sabit sa gilid.”

Marami ang nabanas sa ginawa ni Mo kay Bubbles.  Ang ilan, nagsabi pa na tiyak na bugbog-sarado ang taklesang podcast show host kapag bumalik siya sa Pilipinas.

“Try kayang umuwi ni Mo dito sa pinas?!” may paghamong comment ng isang guy, adding, “Matapang sa babae. Ang lungkot cguro ng buhay niyan sa US.”

One observed na “ang laki ng galit nya kay bubbles para pag-ukulan nya ng panahong gawan ng ganyan yung tao.” Ang feeling naman ng isa ay “baka mabugbug sarado kaya ayaw umuwi ng pinas.”

Ano nga kaya ang matinding galit ni Mo kay Bubbles? Why is he so CRUEL to the actress? Merong bang nagawang kasalanan sa kanya si Bubbles?
\

Read more...