Ruffa: Kaya kong buhayin ang mga anak ko kahit walang tulong ni Ylmaz!

INAMIN ni Ruffa Gutierrez na wala silang communication ngayon ng kanyang ex-husband na si Ylmaz Bektas, ibig sabihin, hindi rin nakikita ng kanyang mga anak ang kanilang tatay.

Sa presscon na ibinigay ng CosmoSkin kay Ruffa bilang bagong celebrity endorser, sinabi ng aktres na tahimik ang buhay niya ngayon, at matagal-tagal na ring hindi sila nag-uusap ni Ylmaz at mas mabuti na raw yung ganu’n.

“I can take care of my kids naman, napapalaki ko sila nang maayos kahit walang ibinibigay si Ylmaz, and they go to international schools, ha!” pagmamalaki ni Ruffa.

Dagdag pa ng TV host-actress, “Ngayon talaga, wala akong boyfriend more than two years na, and wala pang choice kung sinong magpapatibok ng puso ko, I welcome admirers naman, at nakakatuwa na naa-appreciate ako ng mga boys.”

Read more...