Depensa ni Andre Paras sa mga Basher: Di naman po ako bastos!


Pinasyalan namin ang shooting ng “Diary Ng Panget” under Viva Films sa Lyceum University of the Philippines sa General Trias Cavite last Wednesday afternoon.

Napakaganda ng naturang campus at sobrang init nilang tinanggap ang mga bagong hanay ng mga bagets stars na ilulunsad ng Viva come April 2.

Ang mga pangunahing bidang sina Nadine Lustre, James Reid, Yassi Pressman at Andre Paras ang aming inabutan at masuyo kaming kinausap ng mga bagets na excited sa itinututring nilang launching movie vehicle nila.

Though noon pa nakatikim ng showbiz limelight ang apat lalo na sina James (PBB winner) at Yassi (bata pa ay bida na sa mga commercial endorsements), feeling mga bagito pa rin sila ngayong magbibida na sila sa pelikula.

“Mabuti na lamang po at madali kaming nag-bond as friends. Medyo yung work naging parang mas fun sa amin. Being comfortable with each other is the key,” sey ni Yassi.

Guwapong-guwapo naman kami kay James na noong nasa PBB ay isa sa mga tinitilian talaga. Siya ngayon ang itinuturing na “kapatid” ni Andre dahil super nami-miss na raw niya ang kapatid na si Kobe na busy sa kanyang basketball training.

Mahusay ding basketball player ang anak ni pareng Benjie at napakatalino nitong kausap. At dahil kilala na namin ang bagets, never na namin itong inusisa sa mga isyu tungkol sa nanay niya (Jackie Forster) at sa bagong pamilya nito.

“Madalas po kasi ay nami-misinterpret ng iba dahil akala nila kapag nag-e-explain po ako na medyo napapa-English ng konti, akala nila nagiging disrespectful na ako.

Lagi ko po kasing ipinapakiusap yung ‘no comment’ pag yung ganu’ng isyu na ang itinatanong,” paliwanag pa ng tila may pagka-komedyante ring si Andre.

Feeling nasa high heavens naman si Nadine dahil siya nga ang title role sa movie. Though napakaganda niya, isang panget na babae ang kanyang ginagampanan sa nasabing best selling book na isasapelikula na nga ngayon.

Sey nito, “May sarili na pong following ang Diary Ng Panget…kasi kahit dito sa pinagsusyutingan naming school, kilala nila sina Eya (her role), Cross (James) Lory (Yassi) at Chad (Andre).

Nakakataba po ng puso na nabigyan kami ng ganitong opportunity.” Si Andoy Ranay ang direktor ng movie na feeling katropa rin ng mga bidang bagets kaya’t very smooth at mabilis daw ang kanilang shooting.

Read more...