GOOD morning doc. May tanong lang po sana ako. Ang mama ko kasi 20 years siyang gumami ng pills and last year huminto na siya sa paggamit pero ngayon po ay marami na siyang nararamdamang masakit – ulo niya, minsan ay dibdib. Doc, infection ba ito sa pills? At bakit magkakaroon ng infection ang tao kapag matagal na gumagamit ng pills? Hindi po ba ito delikado? Salamat po. – Annabel, Dumaguete City, …9086
Annabel, sa pag inom ng gamot o kaya’y droga, kahit anong klase man ito ay may dinadalang ‘adverse effect’ o epekto sa ating katawan kaya’t dapat iniinom ito sa wastong “dosage” upang hindi to magdulot ng kasamaan sa katawan. Hindi “infection” ang iyong tinutukoy kundi “side effects” na kung “contraceptive pills” ang pag-uusapan, hindi naman ito gaanong nakikita maliban lang kung ang dami nito ay sobra sa nararapat.
Doc, ako po ay tumigil nang magpills, mga 2 months na po. Kailangan po ba talagang magpa-papsmear? Kasi hanggang ngayon hindi po ako nagpapa-OB, mahal po kasi. Tapos po ngayon po, madali po akong magpanghi kahit gumagamit ako ng feminine wash. Thank you po. – Bon, 26, Bacolod City, ….0708
Bon, importanteng magpapapsmear ang mga babae dahil ito ay isang screening para maiwasan ang cervical cancer. kung ikaw ay low risk, (hindi madalas makipagtalik, iisa lang ang partner, malusog ang kondisyon) kailangan mo lamang ito gawin bawat 2-3 years.
Ask ko lang kung paano gagamutin ang warts sa aking balat? Senior citizen na ho ako. Taga Sibugay, thanks.
Ang kulugo o warts ay sinusunog sa pamamagitan ng “electrocautery”, “laser” o kaya “radiofrequency”. Maaari din itong tanggalin ng “surgery”. Ang warts ay “viral infection” ng balat, nawawala at bumabalik kung hindi ito nagagamot ng maayos.
Good morning, doc. Ask ko lang po kung anong gamot ang pwedeng inumin para sa an-an? Medyo kumakalat nap o kasi sa buong katawan ko. – Jayson, 23, Manila, ….2759
Jayson, ang an-an ay “fungal infection”, kung marami ito dapat kang uminom ng anti-fungal tablet (LAMISIL) sa loob ng isang buwan. Kasabay dito ay pahiran mo din ng anti-fungal cream na may steroid ng dalawang linggo at antifungal cream na lang ng susunod na dalawang linggo. Iwasan muna ang mga pagkain na posibleng magdulot ng kati.
Doc, may gamot po ba ang mabahong hininga? Pinabunot ko na po lahat ng bulok na ngipin ng GF ko tsaka po mabaho din po ang likido sa ari nia. Pls. help naman po.
Ang pinakamabisang gamot sa mabahong hiniga ay proper hygiene ngunit may mga kondisyon na naapektuhan ang ating hininga tulad ng reflux, paninigarilyo o kayat cavities. Kung mabaho ang liqido ng ari niya, ito ay maaring dulot ng impeksyon at siguraduhing magpunta sa gynecologist upang matingnan ang pinanggalingan nito.