Bea Binene nag-inarte sa fashion show

BEA BINENE

Dumalo kami sa Unleash Your RealiTee, a fashion show cum launching ng bagong summer collection ng BUM Equipment (an apparel brand) na ginanap sa Elements (Centrix, Quezon City) the other night kung saan pinresent ang kanilang mga bagong ambassadors.

Nandoon ang nagbibinata nang si Nash Aguas, ang magandang si Jane Oineza, Ella Cruz, Diego Loyzaga and the only GMA 7 artist na si Bea Binene. Maganda ang fashion event na iyon, maganda ang concept at ang guguwapo ng male models. Pero how true is the rumor na namroblema ang director ng event dahil ayaw daw rumampa ni Bea Binene sa stage dahil puro mga taga-ABS-CBN daw ang kasabay niya.

At para wala na lang daw problema ay binigyan na lang nila ng solo exposure si Bea para hindi na lang ito mabitin. Pero lumabas naman na maayos ang solo presentation kay Bea. Hindi naman off tingnan.

Gusto ko ang cuts ng mga damit ng BUM, kasi nga, hip at madaling suotin. Hindi maarte. Kungsabagay, matagal na naman sa market ito and has always been doing well. Tama ba, Wendell Alvarez?

Read more...