Yasmien, Jen, Katrina tulung-tulong sa binyag ng baby ni Mark

YASMIEN KURDI, MARK HERRAS AT JENNYLYN MERCADO

Mga co-Starstruck I ni Mark Herras ang tumutulong sa pagbibinyag ng anak niya.

Nakakatuwa talaga ang bonding ng first batch ng Starstruck, one for all and all for one. Celebrating their 10th anniversary last December, they always do their group lunch or dinner when available. At ngayong halos mga magulang na sila, sila-sila pa rin ang nagtutulungan para sa kanilang mga anak. The latest of them all is Mark of course, being the father of the three month old daughter Ada to a non-showbiz girl na marami palang connection sa showbiz kung tutuusin bilang pamangkin din pala ito ng isang kapwa naming manunulat.

Back to Mark, ayaw pa niyang ilabas ang kaniyang baby dahil hindi pa raw kasi ito binyagan. Pero this early, his co-Starstruck are offering help tungkol sa pagpapabinyag ni Ada. Katrina Halili suggested na sa venue kung saan bininyagan ang anak nila ni Kris Lawrence gawin ang reception. His co-star sa Rhodora X naman na si Yasmien Kurdi is suggesting the same catering na nag-cater sa binyag ng kaniyang anak. We’re not sure what their other Rhodora co-star Jennylyn Mercado is offering but for sure meron.

Basta mamaya sa Rhodora X after Carmela, Derrick deletes the CCTV footages sa laptop. Nagkaayos sila ni Lourdes. Kay Joaquin na lang naka-sentro ang galit niya. Sinamahan pa nina Derrick si Rhodora/Roxanne sa pagpapa-check up ng baby nito.  Nang magkayayaan sa pagbisita kay Angela, nagsakit-sakitan ng ulo si Roxanne. Inilalayo na niya ang mga magulang kay Angela. Napansin na ng kaibigan na wala nang dalaw si Angela. Nangatwiran si Angela para sa pamilya pero halatang apektado siya.

Read more...