Bagong dyowa ni Jericho nagtatago


Mukhang dalang-dala na si Jericho Rosales na magkuwento tungkol sa lovelife niya dahil parati nga itong nauuwi sa wala o kaya ay naiintriga kaya naman sa nakaraang presscon ng “Yesterday Today Tomorrow” na idinirek ni Jun Lana ay hindi talaga namin siya napilit na i-reveal kung sino ang nagpapasaya ng puso niya ngayon.

“The reason why I don’t want to talk about my personal life, madali kasing maano, (maunsiyame). It’s my responsibility to Regal Films at sa mga projects ko na mag-stick ako sa proyekto para hindi maiba ‘yung atensyon.

“Na-prove ko na ‘yun na everytime na mayroon akong ano (issue) tungkol sa sarili ko specifically, mas napupunta ‘yung atensyon du’n. So this time, let’s see.

“I’d like to focus on what I did for ‘Yesterday Today Tomorrow’, for Padre de Familia (bago niyang serye sa ABS-CBN), and for my album, my concert. So ‘yun, ayoko lang ma-sideback,” paliwanag ng aktor.

Excited si Echo dahil first time niyang gumawa ng pelikula sa Regal Entertainment at pang-filmfest pa bukod pa sa kasama niya si Maricel Soriano at si Lovi Poe na personal daw siyang ni-request.

 

At habang nakaupo sila sa presidential table ay napansin naming panay ang tingin ni Echo kay Lovi na very vocal naman sa pagsasabing crush na crush siya way, way back pa.

Kaya kinunan namin ng pahayag ang aktor tungkol dito, “Ewan ko ba dito kay Lovi,” natatawang sabi ng aktor, “Wala, sinasabi ko naman sa kanya na ano, eh, binibiro ko siya parati, sabi ko, ‘Kasi, ikaw, kung anu-ano ‘yang mga sinasabi mo, eh, yan.

’ “But more than that, I think, at least, blessed ako na nakilala ko siya at nakasama ko siya sa trabaho. And I wanna work with her again because dedicated siya at magaling siya.

Samantala, tinanong namin kung ano naman ang wish niya ngayong Pasko, sabi ng aktor hindi raw para sa kanya ang wish niya kundi para sa buong showbiz industry, “Well, yesterday, may na-encounter akong medyo nagpalungkot sa akin.

‘Yung mga pirated DVDs being sold sa streets. I really wish this Christmas, sana, alam kong mahirap ang buhay, naiintindihan ko ‘yung mga kapwa Pilipino natin na minsan, kailangan nilang magtrabaho.

“Well, gusto ko lang i-encourage ang bawat Pilipino na marami pang ibang paraan, marami ring mga tao na, katulad ng stuntmen, katulad ng extras or ‘yung mga talents na tinatawag natin, umaasa rin sila sa Philippine industry.

Now it it’s going to die because of piracy. I know it happens here, in Malaysia. One time, may lumapit sa akin sa Malaysia, binigyan ako ng pirated DVD ng Pangako Sa ‘Yo (teleserye nila ni Kristine Hermosa noon), so sinasabihan ko na lang sila na, ‘Please, huwag na kayong magbenta niyan.”

Read more...