Juday: Wala kaming laban kina Kris at Ai Ai!


Talaga palang kinakarir ni Judy Ann Santos ang pagiging misis ni Ryan Agoncillo, ‘no! As in talagang naka-jackpot si Ryan kay Juday dahil haring-hari raw talaga ang turing ng kanyang asawa sa kanya.

Sa presscon recently ng kanilang entry sa Metro Manila Film Festival 2011 na “My Househusband Ikaw Na”, inamin ni Juday na bukod sa kanilang mga anak na sina Yohan at Lucho ay alagang-alaga rin niya si Ryan kahit pa bisi-bishan ang drama niya nitong mga nakararaang buwan.

Nagluto ang mag-asawa du’n mismo sa venue ng presscon at ipinatikim nila ‘yun sa entertainment press.

Ang cute-cute tingnan ng mag-asawa habang nagluluto, as in talagang maiinggit ka sa kanilang married life.

Si Juday pa rin daw ang nagluluto ng ibabaon ni Ryan sa trabaho, “Ngayon kasi, alam ko naman ang schedule ni Ryan.

May taping siya sa Eat Bulaga for Christmas. So, morning, gigising ako ng alas-singko. Hangga’t maaari, alas-singko or alas-sais ng umaga, para mabantayan din si Yohan sa pagkain. Maihatid sa school.


“Pagbalik, maglalaro kami ng konti ni Lucho, then gigising na si Ryan. Habang naglalaro si Lucho, gagawin ko naman ang baon ni Ryan for Eat Bulaga and for Talentadong Pinoy,” kuwento ni Juday.

Tinanong si Juday kung anu-ano ang ipinababaon niya sa asawa, aniya, “Kapag naka-diyeta siya, walang carbs. Kapag alam ko na ordinary day, meron siyang special fried rice na ipinapabaon ko sa kanya.

“Pagdating ng tanghali, wala na si Rye, alone time ko na ‘yun. Kapag hindi tulog si Lucho, isasama ko naman siya sa gym at magdyi-gym naman ako.

Saka pa lang ako uuwi para mag-marinate ng ibang babaunin ni Rye sa kinabukasan at maghahanda naman ako ng dinner niya.

“Or pag minsan, kapag napagtitripan namin ni Yohan si Daddy na lambingin, meron kaming nakahandang fine dining set-up kay Daddy pag-uwi.

Hinihintay ko lang lumaki si Lucho para dalawa na silang waiter ko!” natatawang chika pa ng aktres-TV host.

Anyway, tungkol naman sa MMFF entry nilang “My Househusband Ikaw Na”, inamin ng mag-asawa na grabeng pressure na ang napi-feel nila ngayon, “Yes, malaking pressure. Kung paano ’ko na-pressure maglabas ng pagkain kanina, mas higit pa du’n.”

“Pero siyempre, hindi mo naman maiaalis ‘yun. Ngayon lang ulit kami nagkaroon ng movie ni Ryan together, tapos MMFF. Tapos, wala naman kaming panlaban na effects sa pelikula.

Ang panlaban lang talaga namin is story. Kung gaano karaming lesson ang maibibigay ng pelikulang ito sa mag-asawa. At mga kapitbahay na rin na mga echoserang tsismosa.

“Pero faith…Faith na alam namin na maganda ang pelikula at ginawa namin ito. At masaya kami as proyektong ito. Ang gusto lang namin, at least, mapansin ng tao ang pelikula.

Ma-appreciate nila ang effort at time na inihandog namin sa kanila. Wala naman kaming laban kay Kris (Aquino) at kay Ai Ai (delas Alas), sino naman kami, di ba?

“Ano lang kami, pamilyadong tao na naghahandog ng magandang pelikula. So, we really hope na mapanood ito ng lahat,” positibong pananaw pa ni Juday.

Read more...