Enrique Gil: Kahit na hindi siya marunong magluto basta malambing, busog na ‘ko!

ENRIQUE GIL AT JULIA BARRETTO

PWEDENG-PWEDENG ma-develop si Enrique Gil sa bago niyang ka-loveteam sa fantaseryeng Mira Bella na si Julia Barretto. At in fairness, ha, malakas ang kilig factor ng dalawa.

Nakasama ng ilang members ng showbiz media sina Enrique at Julia sa birthday presscon na ibinigay sa kanila ng ABS-CBN Dreamscape Entertainment. Last March 10 nag-celebrate ang dalagang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla ng kanyang ika-17 kaarawan, samantalang sa March 30 naman ang birthday ni Enrique, he’s turning 22.

Ayon sa Kapamilya hunk actor, “Puwede talaga (ma-develop kay Julia), kasi ‘pag may loveteam ka, magkasama kayo sa trabaho lagi, lagi kayong magkasama sa eksena. Then, you get to know the person more, puwede talagang ma-develop.”

Pero para kay Julia, masyado pa siyang bata para seryosohin ang lovelife, at bawal na bawal pa raw siyang magpaligaw sa ngayon.

Pero ano ba ang napi-feel niya ngayong 17 na siya, “I don’t know kasi nasa gitna siya ng sweet 16 and then 18 eh, siguro I feel older and more mature pero wala pa akong na-fi-feel na anything special.

“Ang birthday wish ko since Mira Bella lalabas na this month, I’m really praying na maging successful ito na tumagal ito at tutukan ito at sana mataas ang ratings kasi ang ganda talaga ng story, sana abangan nila,” ayon pa sa dalaga sa isang interview.

Samantala, base sa nakita naming pagkilos ng magka-loveteam, masasabi naming posible ngang magkaroon sila ng seryosong relasyon in the near future, kung sakaling magtutuluy-tuloy ang pagsasama nila sa mga proyekto ng ABS-CBN.

Tatlong buwan pa lang nagkakasama sa taping sina Enrique at Julia para sa Mira Bella pero tila close na close na sila, “Hindi pa namin napi-feel yung tagal, so each time na magkasama kami, getting to know each other pa rin. Pero tuwing nagkikita kami sa set, parang may nalalaman ako sa kanya.

“So, parang du’n pa lang sa stage (na yun), du’n pa lang,” chika ni Enrique.

Sa tingin ba niya, mahirap maging super close sa kanyang leading lady ngayon? “To be honest, hindi, kumpara sa iba. Kasi siguro dahil open kaagad siya and maharot.

“Kaya kung nagkukulitan kami, du’n kami nagiging solid. Parang ice-breaker yung, ‘Oy, makulit ka, pakulit naman!’ Ka-vibes ko si Jules, we’re cool, solid,” hirit pa ng binata.

“Tsaka, close ako sa tita niya, kay Mama Gretch (Gretchen Barretto). That’s why parang hindi na mahirap maging close sa kanya,” dagdag ni Enrique. Nagkasama noon sa seryeng Princess And I sina Enrique at Gretchen.

Kasabay nito, sinabi ng hunk actor na simpleng babae lang ang ideal girl niya, “Gusto ko ‘yung masayahin. Laging naka-smile na tinitingnan mo pa lang, nakakaalis na ng stress, nakakagaan ng loob. Tapos malambing. Kahit hindi marunong magluto, basta malambing, busog na ako.”

Makakasama rin sa Mira Bella sina Sam Concepcion na siyang magiging ka-love triangle nina Enrique at Julia, John Lapus, Pokwang, Mylene Dizon, James Blanco, Mika dela Cruz at Gloria Diaz, sa direksyon nina Erick Salud, Jojo Saguin at Jerome Pobocan.

Ang Mira Bella ay malapit nang mapapanood na sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ito ay ang pinakabagong obra ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng phenomenal TV program na Walang Hanggan, Juan dela Cruz at Honesto.

Samantala, natanong din si Julia kung paano niya hina-handle ang mga nangnenega sa kanya, lalo na sa mga social media?

“How am I handling it? How do I deal with it? Siguro I just ignore it, basically.

“Kasi sa lahat ng…with everything’s that’s been going on right now, parang I’d rather not put my time and effort sa mga negative.

I’d rather stay positive and since malapit na rin ang Mira Bella, there’s really no time to waste my attention to those things,” chika pa ng dalaga.

Tama naman, kesa nga ubusin ang energy sa mga walang kuwentang tao, dedma na lang!

Read more...