Luis: Hindi ko pagtatrabahuin si Angel pag asawa ko na siya!

LUIS MANZANO AT ANGEL LOCSIN

Malapit nang maging legal wife ni Luis Manzano si Angel Locsin.

Inamin na ni Luis sa Aquino & Abunda Tonight na ngayong taon siya magpo-propose kay Angel.

Sinabi kasi ni Kris Aquino na sa pagbabalikan nina Angel at Luis ay sa kasalan na rin naman ito patungo na sinang-ayunan din ng TV host-actor

Bukod dito ay “ninang” pa ang tawag ni Luis kay Kris at ibinuking din ng Queen of All Media na pinag-usapan nila ng TV host ang tungkol sa engagement ring.

Ani Luis, “Nagulat ako, ganu’n pala kamahal ngayon ng singsing, kaya plano ko sa Adoracion Chapel na lang magpakasal para makatipid.”

Mamimili na lang kung anong petsa magpo-propose si Luis kay Angel dahil ng tanungin ni Kris kung kailan ang kaarawan ng dalawa ay kaagad sumagot ang binata ng, “She’s April 21 ako 23rd” at sabay sabi ng Queen of All Media ng, “So, alam na.”

Kinukulit ni Kris kung ano talaga ang plano ni Luis, “Whatever plans, my fiancée would be the first one to know.”

Samantala, masayang ibinahagi ni Kris sa publiko ang isa sa pinag-usapan nila ni Luis sa plano ng binata kay Angel na hindi niya ito pagtatrabahuin.

May options daw si Angel na kung gusto pa rin nitong magtrabaho o hindi na dahil ang katwiran ng future husband niya ay gusto niyang bigyan ng magandang buhay ang aktres na gagawin nito ang gusto niyang gawin na hindi niya masyadong nagawa noong dalaga siya dahil halos 24/7 siyang nagtatrabaho para sa pamilya niya.

Say ni Luis, “Gusto ko, ako ang magtatrabaho para sa kanya, gusto kong ipadama sa kanya ang gaan ng buhay.”

At dahil dito ay nainggit sina kuya Boy Abunda at Kris sa magandang plano ng TV host.

Nabanggit din ni Luis ang sinabi raw ng nanay niya sa kanya, “Angel, you’re home.”

Samantala, napag-usapan din ang pulitika at inamin ni Luis na mag-aaral muna siya ng short course para may alam siya at kung sakaling papasukin niya ito ay Mayor ang gusto niyang pag-umpisahan at hindi Gobernador na kapalit ng mommy niyang si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.

Giit nga ni Kris na puwede naman daw mag-OJT (on the job training) si Luis sa nanay niya, pero ipinagpilitan ng binata na, “I want to study muna.”

Angel and Luis deserved each other, di ba bossing Ervin? (Tomohhh!!!! – Ed)

Read more...