Laplapan at love scene nina Angel at Echo gumagrabe


Speaking of suspense, halos mabaliw na kami sa mga kaganapan sa The Legal Wife dahil nakaka-tense na ang mga eksena sa seryeng ito ng ABS-CBN.

Aba’y after so long ay bigla ngang nagkrus muli ang landas ng dating best of friends na sina Monica (Angel Locsin) at Nicole (Maja Salvador). Matindi kasi ang galit ni Maja kay Angel dahil feeling niya inabandona siya ng kaibigan noong kailangan niya ito (namatay ang mayaman niyang lolo).

Eh that time pala, sandamakmak din ang problema ni Angel sa pamilya.Napanood namin ang matitinding lovemaking at torrid kissing scenes nina Angel at Jericho Rosales sa The Legal Wife, kung wala nga lang silang partners ngayon in real life, iisipin naming may relasyon talaga sila.

Ang siste, dahil hindi naman nakilala ni Nicole na asawa pala ni Adrian (Echo) ang best friend nang kunin niya ito sa isang project, nahulog ang loob nito at inakit ang lalaki.

Naku, ang gagaling nilang umarte kapatid na Ervin. Sabi ko nga, bigay na bigay sina Angel at Echo sa mga roles nila bilang couple lalo na sa mga lambingan moments habang makukumbinsi ka talagang magaling mang-agaw ng lalaki si Maja.

Ha-hahahaha! We still have to witness JC De Vera’s brilliance, pero sa ilang gabing pagtutok namin, aba’y hindi ito nagpapahuli sa kaguwapuhan ni Echo.

Read more...