Ai Ai diring-diri pa rin kay Kris; Boy hirap pagbatiin ang 2 alaga


Until now ay parang muhing-muhi pa rin si Ai Ai delas Alas kay Kris Aquino. Ilang beses na siyang ininterbyu in the past and she was consistent with her no comment stance kapag napasok na ang pangalan ni Kris.

Damang-dama tuloy ng mga press na tila pinandidirihan niya si Kris. Bakit ba ayaw na ayaw mag-comment ni Ai Ai  sa dati niyang BFF? Natatakot ba siyang may masabing ikagagalit ni Kristeta  kaya might as well, manahimik na lang siya para wala na lang gulo?

Mukhang malabo pang magkabati ang dalawa. Parang kahit si Boy Abunda ay mahihirapang maging mediator nina Kris at Ai Ai. Time was when Kris and Ai Ai were the best of friends.

Now, they’ve become enemies, bitter ones at that.Incidentally, si Kris parang nasa reconciliation mode these days, ha. After na magkasundo sina Kris at James Yap ay parang ang dali-dali na ngayong hiramin ng basketball player ang kanyang anak.

And when Bimby recently shot a TV commercial, look who’s there aside from his mom Kris? Sino pa kundi si James na first time yatang na-witness kung paano umarte ang kanyang anak sa isang TV commercial.

Read more...