HOROSCOPE, MARCH 12, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Lubos kang pinagpala! Sa isang hindi sinasadyang sitwasyon makakaranas ka ng isang nakakikilig na relasyon. Sa pinansiyal mula sa isang Virgo malaking halaga ng salapi ang mahahawakan. Mapalad ang 5, 19, 26, 34, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Pink at red ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)—Tanggapin ang alok ng isang kaibigan pagkakataong mo ng umunlad. Sa pag-ibig, hindi dapat pahalagahan ang pisikal na anyo, sundin ang tinitibok ng puso. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Krishna.” Magenta at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Hindi ka dapat na maging uto-uto. Ipakita at ipatupad ang sarili mong pasya. Sa pag-ibig at pinansyal, sa sandaling naging independent ka na, magsisimula ka ng umunlad at lumigaya. Mapalad ang 9, 12, 17, 26, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra-Om.” Green at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Isang dating kaibigan ang magte-text. May magandang balitang matatanggap. Sa pinansiyal, wag asahan ang salaping hindi mo pa hawak. Sa pag-ibig ito ang araw na laan sa iyo upang gawin ang pinaka-masarap. Mapalad ang 5, 18, 33, 41, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Wagiswari-Padme-Om”. White at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Dagdag na sipag ang dapat ipatupad upang makamit ang pangarap. Sa pag-ibig wag maghinala ng hindi maganda sa iyong kasuyo. Sa pinansiyal, utuin ang kasuyo upang bigyan ka ng dagdag na pera. Mapalad ang 7, 16, 33, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra, “Om-Namah-Om-Namo.” Indigo at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Puro ka na pangarap, hindi naman yan ang mahalaga, sa halip ang mas mahalaga ay maipatupad mo ang iyong ideya. Sa pag-ibig, ayain sa romantic na lugar ang kasuyo. Sa pinansiyal, umpisahan na ang kalakal na may kaugnayan sa pagkain.  Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 40 at 43. Mahiwagang mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Gold at pink  ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Negosyong may kaugnayan sa butil ang magpapayaman sayo. Ipatupad mo na ngayon. Sa pag-ibig, kapag maunlad ka na at marami ng pera, kusa ka naring liligaya. Mapalad ang 7, 16, 23, 34, 41 at 49. Mahiwag mong mantra: “Wala ng pinaka-mahalagang bagay sa buhay na ito kundi salapi at ka-relasyon.” Green at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Upang ma-refresh ang isip at damdamin, laging makinig ng musika. Ang ibat-ibang uri ng  love song at classic ang magpapalakas ng positibong enerhiya na siya namang hihigop ng maunlad na pamumuhay at maligayang pag-ibig. Mahiwaga mong mantra: “If the King love music, it is well with the land.” Maroon at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Magtiwala sa kasuyo, makaka-tsamba din siya ng malaking suwerte. Isipin mo, kung hindi bibigyan ng encouragement ang kasuyo paano uunlad ang inyong buhay?  Mapalad ang 5, 14, 22, 31, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra, “Radya-Neshaya-Krishnaya.” Blue at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Sa pinansiyal, wag tumunganga, magisip ng dagdag at bagong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, tuloy ang palihim pero romantic na relasyon. Suwerte ang 9, 12, 21, 31, 37, at 40. Mahiwaga mong mantra, “Abrakadabra!” Red at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Matapos ang maraming hirap na pinagdaanan may malaking sopresang darating. Sa pinansyal nakatakda na sa iyo ang yumaman. Sa pag-ibig, gawing inspirasyon ang bawat miyembro ng inyong pamilya. Mapalad ang 2, 17, 22, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra, “Namo-Loes-Sawa”. White at red ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—   Hindi magiging maligaya sa pag-ibig, kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Hindi  sa pamamagitan ng emosyon ka liligaya, kundi sa pamamagitan ng isip at rason. Sa pinansiyal, gamitin ang salapi upang makatagpo ng true love.  Mapalad ang 1, 7, 22, 37, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor-Om.” Green at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—   ‘Wag umasa sa ibang tao. Makakamit ang tagumpay kung sariling diskarte ang paiiralin. Sa pag-ibig, ikaw ang unang gumawa ng hakbang, upang muling uminit ang relasyon. Sa pinansiyal, ikaw mismo ang kumilos upang madoble ang kita. Mapalad ang 8, 17, 24, 34, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra, “Om-Sahana-Vavatu.” Blue at red ang buenas na kulay.

Read more...