Igan nag-init na naman sa abogado ni Delfin Lee


Spongecola ang guest tonight ni Arnold Clavio. Ang bandang nagpasikat ng “Jeepney”, “Crazy for You”, “Gemini” at marami pang ibang kanta –  mas makikilala na ang Spongecola sa isang gabi ng rakrakan sa Tonight with Arnold Clavio tonight sa GMA News TV at 10:30 p.m..

Marami raw humahanga at kinikilig sa mga rakistang ito pero sorry na lang sa mga girls dahil ang karamihan sa mga miyembro ng Spongecola ay taken na. Gaya na lang ng bokalistang si Yael Yuzon na nakatakda nang ikasal kay Karylle.

Katunayan, ikukwento ni Yael kay Igan kung paano siya nag-propose sa kanyang fiancée. Pero bakit nga ba point guard daw ang turing ni Yael sa kanyang sarili? Habang Si Reynaldo “Gosh” Dilay naman na kanilang bassist, totoo nga bang King of Smiles din ang bansag?

Ano naman ang bansag kina Ted Cruz (drummer) at Erwin Armovit (lead guitarist)? Tonight na ‘yan sa Tonight With Arnold Clavio. By the way, may we suggest Arnold na maghinay-hinay ulit sa interview niya.

Minsan na siyang napagalitan ng MTRCB for crossing the line between an objective interviewer and a subjective host remember?
Last Monday, medyo nag-init na naman si Arnold while interrogating the lawyer of Delfin Lee on how PAGIBIG funds are transferred and paid by the members.

Maybe kapag ganiyang kainit na ang usapan, mas mabuti pang ibigay na lang sa iba ang tanungan para hindi na siya mapahamak sa MTRCB.

Read more...