Joyce Bernal inis kay Piolo, ipinagdamot ang anak


Nakatsikahan naman namin backstage ang Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual na isa  rin sa hosts sa awards night. Sinabi namin sa kanya na nainis sa kanya ang kaibigan niyang direktor at kasosyo sa Spring Films na si Joyce Bernal dahil ayaw niyang payagan na mag-promote ang anak na si Iñigo sa first film na prodyus din nila, ang “Relaks, It’s Just Pag-ibig.”

“Ay, hindi talaga pwede,” iling ni Piolo na parang bata. After ng successful movie nila ni Toni Gonzaga, magsisimula na rin si Piolo ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang  Hawak Kamay.

Makakasama niya sa serye ang mga child star na sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat. Si Mae Cruz daw ang magdidirek at sa ilalim ng unit ni direk Ruel Bayani.

Patuloy naman ang pagkita sa takilya ng movie nila ni Toni  na “Starting Over Again.” Malapit nang maging ultimate record breaking box office ang movie nila, huh! Hindi malayong sina Piolo at Toni ang tanghaling Box Office King and Queen next year.

We mentioned this to Toni and she said, “Magdilang -anghela ka sana!” ‘Yun, o!

Read more...