TILA nakakuha ng kakampi si Heart Evangelista kay Carla Abellana who showed her support sa pamba-bash sa kanya ng fans ni Marian Rivera.
We saw the posted tweet message of a fan sa isang entertainment website where she asked, “Carla dhil nakasama mo si heart ganun n ba sya kasamang tao para siraan husgahan ng fans ni marian?”
Carla’s reply obviously showed her support for the beleaguered Heart, “Napakabait, napakabuti at mapagmahal pong tao si heart.”
Of late, Heart was subjected to extreme bashing by the fans of Marian just because she posted on her Instagram a photo which showed her magazine cover na nag-iisa na lang sa mag stand na katabi ang mag cover ni Marian na tila marami pa.
Some people, especially fans of Marian, took it to mean na pinalalabas ni Heart na mas mabenta ang cover niya kaysa kay Marian. Before that, Marian’s fans also bashed her when she posted a message na kinikilig siya sa panonood ng soap nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
CRUEL that they are, kung anu-ano ang sinabi nila kay Heart, tila mga walang PUSO at KALULUWA itong fans ni Marian.
Actually, BASHERS talaga itong mga tagahanga ni Marian.
Wala silang pagtingin sa TAMA, basta pumitik ka o nagparinig ka sa kanilang idol ay talagang iba-bash ka nila. Teka, merong blind item na parang si Marian at si Dingdong Dantes ang tinutukoy.
It tells about a “ballistic actress” na nagpunta sa isang “exclusive destination” kasama ang kanyang boyfriend. Ang chika sa nasabing website, nagalit ang “ballistic actress” nang malaman niyang tinitingnan ang kanyang BF at kinukunan ng picture habang naka-trunks ito at lumalangoy sa swimming pool.
Nagsisigaw at nagmumura raw ang aktres na ikinagulat ng resort staff. Galit na galit daw ito sa staff dahil hindi lang sila kumukuha ng picture ng kanyang dyowa kundi ini-invade nila ang privacy nila.
Siyempre nga naman ay nasa bakasyon sila noong mga oras na iyon. Nag-complain daw kaagad ang aktres at nag-demand na tanggalin ang mga staff na involved sa pangyayari.
Si Marian nga kaya ang tinutukoy sa blind item? Anyway, may reaction kaya siya rito? We welcome her reaction about this in the name of balance reporting.
Kaya namin naisip na si Marian ito ay dahil sila lamang ang alam naming sikat na celebrity couple na nagbakasyon sa isang luxury resort recently.
Although may kasama pa silang celebrity couple during that time, hindi naman sila kasingsikat nina Marian at Dingdong.