Filipino citizenship ni Blatche aprub na sa Kamara


INAPRUBAHAN na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang magbibigay ng Filipino citizenship kay Andray Blatche, player ng National Basketball Association team na Brooklyn Nets.

Sa botong 216-0 at walang abstensyon, inaprubahan na ang House bill 4084 na naglalayong paglaruin si Blatche sa koponan ng Gilas Pilipinas na kalahok sa 2014 FIBA World Cup na gaganapin sa Spain sa Agosto.

Ang 27-anyos na si Blatche ay isang 6-foot-11 center-forward. Sinabi ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na minamadali nila ang pag-apruba ng panukala.

Kung makapagpapasa ng kaparehong panukala ang Senado ay pirma na lamang ng Pangulo ang kulang upang si Blatche ay maging Filipino citizen.

( Photo credit to INS )

Read more...