Marian: Happy ako sa bf ko, maganda rin ang relasyon ko ngayon sa magulang ko!

BULL’S eye. That’s how we would  describe Marian Rivera’s swipe at Heart Evangelista. When her followers nagged her on Instagram about her reaction sa pinost na photo recently ni Heart where she was thankful dahil isa na lang ang natira sa cover photo niya for a magazine ay hindi na tinigilan si Marianita.

Her fans wanted her to react PRONTO. Finally, Marian gave in and in one Facebook fan page reportedly  said,   “Happy talaga ako ngayon sa buhay ko. Hindi lang ako happy sa boyfriend ko kundi maganda pa ang relationship ko sa parents ko.”

Ouch! Ang sakit naman no’n! Obviously, that’s a diretso-sa-dilang-diretsong patutsada kay Heart whose relationship with her mom had been soured for years now.

Pero parang iwas-pusoy si Marianita, bigla siyang kumambiyo when she said, “Ang ganda ng pasok ng taon sa ‘kin with so many projects, endorsements, so I just want to remain positive. Ayoko ng pumatol sa ganyan.”

Ano raw? Anong ayaw pumatol, eh, pinatulan mo na nga. Nagpatutsada ka na nga. Ano ka, hilo, dear? Isip-isip din kapag may time. Also, kung maganda ang pasok sa ‘yo ng taon dahil marami kang endorsements, eh, marami rin namang commercials na umeere si Heart ngayon, ha.

Magbilangan nga kayo ng mga ineendorsong products and we’re quite certain na tatalunin ka niya. Marian’s reaction is quite PERSONAL, ha. Hindi naman siya inaano ni Heart to have merit that kind of reaction.

Isa pa, ano’ng pakialam niya kung merong pinagdadaanan si Heart at ang kanyang magulang? Makisawsaw ba?

Read more...