Sarah tinakasan ang magulang para makipagkita lang kay Matteo

DAHIL dinadagsa nga kami ng mga mensahe sa aming social media accounts hinggil sa bagong intriga kay Sarah Geronimo dahil sa pinaikli nitong buhok, talagang nagtanong-tanong na kami kapatid na Ervin para sa ikalilinaw ng issue.

Sa isang shampoo product presscon kasi kung saan ang Pop Princess ang isa sa mga endorser, hindi raw ito nagpaliwanag sa ginawang pagpapaputol ng buhok maliban na lang sa announcement na galing mismo sa organizers ng event na nagpaalam naman si Sarah sa pagpapagupit for her movie project with Coco Martin.

May nakakalokang bersyon pa kaming narinig na “statement” daw ito ng muling pagrerebelde ng singer-actress sa kanyang mga magulang – nalaman daw kasi ng singer-actress na peke ang pagpabor ng mga ito kay Matteo Guidicelli, dahil ang totoo hindi rin pala  ito feel nina Mommy Divine at Daddy for Sarah.

Hay naku, at sa amin ngang pagtanong-tanong kapatid na Ervin, wala din kaming malinaw na nakuhang sagot maliban sa balitang regular pa ring nagkakausap sina Sarah at Matteo.

May nakapagsabi pa sa amin na dahil sa muling paghihigpit nina Mommy Divine sa anak, nagagawa na rin nitong takasan ang kanyang mga “bodyguards” para lang makipagkita sa kanyang rumored boyfriend.

“Bagay naman, di ba?” ang natatawang tsika sa amin ni kaibigan at kumpareng Joji Dingcong na manager ni Matteo Guidicelli hinggil sa isyu kay Sarah at sa buhok nito.

For the nth time ay nagsalita ang butihing manager na never siyang nagtanong much more ay nakialam sa private issues ng mga alaga niya basta hindi nagsa-suffer ang mga career nila.

Kaya nang mag-segue kami ng tanong kung sa tingin ba niya ay hindi apektado ang karir ni Matteo o mga showbiz commitments nito, sumagot ito ng makahulugang, “Mas inspired nga siya nagayon!” Yun na!

Read more...