Osang itinulak sa kumunoy ng sariling anak para makaganti | Bandera

Osang itinulak sa kumunoy ng sariling anak para makaganti

Alex Brosas - March 11, 2014 - 03:00 AM

It must have been the most hurting interview ever na napanood namin last Sunday ‘yung panayam kay Onyok, ang anak ni Rosanna Roces. Tell-all ang interview, walang preno-preno, walang pretension at lahat ng tanong ay sinagot ng anak ni Osang.

Inilaglag si Osang ng kanyang sariling anak. Ipinagkanulo siya nito. Ibinisto ang kanyang buhay sa likod ng kamera, ang kanyang bisyo, ang kanyang mga kagagahan sa buhay, ang pagkawala ng mga properties na ipinundar ng kanyang ina.

Hindi namin alam kung may galit ang anak ni Osang sa kanya kaya niya nagawa ‘yon. We’re not sure kung ang point niya ay ang baguhin ang lifestyle ng kanyang mother dear.

Truly, watching the episode made us realize that there are really life’s secret’s na hindi maitatago nang panghabang-buhay. Ang masakit lang, ang anak pa ni Osang ang nagkanulo sa kanya. How sad.

Ang tanong, mag-rate naman kaya nang husto ang interview ng anak ni Osang laban sa kalabang showbiz-oriented talk show? Sana.

Kasi naman, lagi na lang napag-iiwanan ang Sunday showbiz talk show ng Siyete sa katapat nitong programa sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending