Yayaman sa negosyo | Bandera

Yayaman sa negosyo

Joseph Greenfield - March 11, 2014 - 03:12 AM

Sulat mula kay Eric ng Wright, Samar
Dear Sir Greenfield,
Pagkatapos ng Yolanda ay magulo ang isip ko.  Labis ang kahirapan dito sa amin.  Meron akong kapirasong taniman at sarili ko ang lupa.  Balak ko nang mag-resign sa gobyerno dahil limang taon na ay hindi nadadagdagan ang suweldo ko at ngayon nga ay delayed pa.  Minsan natutukso na akong magnakaw sa gobyerno pero natatakot ako sa mata sa langit.  Ibig kong buhayin ang hayupan namin ng misis ko sa likod-bahay.  Sa negosyong ito kumita kami noon at nakapagpaaral ng mga anak.  Ibig ng misis ko na mag-resign na lang ako dahil maliit din naman ang retirement ko dahil hindi naman ako college graduate.  Ano ba ang kikita?  Gulay o hayupan?  Nagbalik na kasi ang damo sa sabsaban.  Balak kong dagdagan ang aming business.  Ano po ba ang masasabi ninyo? Kapag nag-resign ako, may pag-asa kaya kaming yumaman sa negosyong paghahayupan? January 12, 1962 po ang birthday ko.
Umaasa,
Eric ng Wright, Samar
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kusa namang nagpalit o nag-iba ng linya ang Fate Line o Career Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, mula sa pagseserbisyo, sa malapit na hinaharap ikaw ay magiging matagumpay na negosyante.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Eight of Hearts at Eight of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing higit ka ngang papalarin at uunlad, sa negosyong may kaugnayan sa paghahayupan, kesa pamamalagi sa gobyerno. Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending