PARA siguro matapos na ang kung anu-anong tsismis tungkol sa kanilang relasyon, pinayagan na ni Gerald Anderson na magsalita na sa harap ng camera ang kanyang ama at kapatid para ipagtanggol ang kanyang girlfriend na si Maja Salvador.
Sa interview ng Buzz Ng Bayan noong Linggo, pinatunayan ng ama ni Gerald na si Mang Randy at kapatid na si Ken na tanggap na tanggap ng kanilang pamilya si Maja taliwas sa naglalabasang balita na hindi sila boto sa aktres para kay Gerald.
Ayon kay Ken, ate na ang turing niya kay Maja at natutuwa siya na patuloy na gumaganda ang relasyon ng dalawa sa kabila ng mga intriga. Para naman kay Mang Randy, isa raw mabait at super sweet na bata ang dyowa ng kanyang anak.
“Well I first met Maja back in Christmas just last year and at that time I was still overseas. I was working she really endeared herself. She really charmed me. She said ‘Daddy come home.
You need to come home.’ She’s a sweetheart. I think the world loves her,” anito. Noong nakaraang birthday ni Gerald, mismong si Maja ang nag-asikaso ng surprise party para sa binata, “Okay naman po.
Sinurprise niya ako with my friends and family. Okay, nag-enjoy kami. Something simple lang,” sey pa ng isa sa magiging leading man ni Anne Curtis sa Dyesebel ng Dreamscape Entertainment sa ABS-CBN.
Natanong din si Gerald kung naaapektuhan pa ba siya ng mga intriga at tsismis sa kanila ni Maja, “Hindi na po eh, napagdaanan ko napo ‘yun eh.
Ganon po talaga. Wala po talagang magbabago. Like I said kailangan mo lang tanggapin and then move on. Stay strong.”
Sa mga nangyayari ngayon, mukhang sa kasalan na nga mauuwi ang relasyon ng dalawang Kapamilya stars.