Janice kilalang-kilala ang nanay ng anak ni Mark; pinabago na ang bahay ni John Estrada

NAALIW kami dito kay Janice de Belen sa dalawang magkasunod na Linggo namin siyang nakatsikahan sa studio ng Buzz ng Bayan. Nu’ng first week, natanong niya kami kung sino raw ‘yung handler at ina ng anak ng aktor na si Mark Herras.

Wit kaming nakasagot kasi hindi namin kilala ‘yung girl. Feeling namin mas kilala pa ni Janice kung sino ‘yng handler ni Mark kesa sa amin.

Ang tagal din ni Janice sa GMA 7 bago siya napunta sa ABS-CBN and for sure, nakatrabaho niya ng ilang beses si Mark noon kaya more or less she knows kung sino ‘yung handler ng aktor.

E, kami naman nagkaroon ng ideya sa identity nu’ng girl as one colleague of ours mentioned it sa isang event. Hindi nga kami makapaniwala na pamangkin pala ng dating editor in chief sa isang publishing company noon at nagdidirek ng indie film ‘yung handler.

Model-model daw ‘yung physical built nu’ng girl, meaning mas matangkad kay Mark. And we heard, mas matanda sa kanya. Tsika pa ng kasamahan namin sa panulat na posibleng naganap daw ang lahat sa kanila ni Mark one night over couple of beers.

Nu’ng second Sunday naman, masayang ibinalita ni Janice na balik na ulit siya sa Parañaque. Finishing na raw ang pina-renovate niya na dating bahay nila ng ex-hubby niya na si John Estrada and their kids.

Ang lalaki na kasi ng mga anak nila ni John and they all need their own rooms and privacy. Habang ang panganay ni Janice na si Luigi ay nakatira na sa ibang bahay kasama ang misis niyang si Patty Petil and their own children.

Last time nainterbyu namin si Luigi sa kanyang sariling resto sa Merville, Parañaque. During that time, kaka-start lang ni Janice ipa-renovate ang bahay nila.

Kaya matagal at maraming pera ang binuno niya bago napaayos ang bahay nila sa Parañaque. For sure nakakahinga na ng maluwag ngayon ang aktres sa gastusin.

We’re not sure lang if Liuigi’s resto sa Parañaque is still existing, ha. Cute and cozy ang resto niya, ang Luigi’s Pinoy Comfort Food sa BF Homes, Parañaque.

Read more...