Annabelle Rama: Bawal na akong magmura, pero humanda pa rin sila pag nagalit ako!”

DUMALO kami sa presscon ng It Takes Gutz To Be A Gutierrez, a new reality show na ilu-launch ng E! – sikat na international cable channel, kung saan lahat ng aktibidades ng pamilya Gutierrez ang ipi-feature for some seasons.

Masaya ito dahil if there’s one family na talagang nakaka-excite to know the things that they do everyday ay sila na nga siguro iyon. Puro kasi sila mga sikat – from the patriarch nitong si Tito Eddie Gutierrez na super-sikat na matinee idol during his time; ang mommy ng buhay nilang si Tita Anabelle Rama na never nawalan ng controversies sa buhay; ang napakagandang beauty queen-actress-TV host na si Ruffa na palagi raw “kaaway” ang mommy niya; ang mahusay ring TV host na si Raymond na adik sa social media at ang kambal nitong sikat na matinee idol na si Richard – gosh! Riot ito tiyak dahil may kaniya-kaniya silang istorya sa buhay.

Six episodes muna ang gagawin ng E! for this show produced by the Philippines’ media powerhouse One Mega Group’s TV100. This show will give audiences across South East Asia, an all-access pass to the family.

As part of E!’s continued commitment to shine the spotlight on local Asian personalities and celebrities, the series will follow the Gutierrez family – as they give the audience an unfiltered look at their incredible personal and professional lives.

“Sabi ko nga kay Ruffa, puwede na siyang pumunta ng Istanbul dahil hindi na siya tiyak sasaktan ni Ylmaz dahil may dala na siyang camera, di ba? Maliit na camera lang pero hindi na siya puwedeng manakit dahil mabubulgar siya,” biro ni Tita Anabelle.

“Dati ayaw na ayaw ni Mommy na pumunta ako ng Istanbul. Nananakot pa siya na kapag pumunta ako roon ay magpapasagasa raw siya pero ngayon, siya na ang namimilit sa aking pumunta.

Kaloka! Pero ngayon naman, maayos naman kaming nag-uusap ni Ylmaz – he plans to visit the kids. Maayos naman ang arrangement namin,” says Ruffa.

May nagtanong kay Richard kung lalabas din ba si Sarah Labati sa show – di ba’t may rumor na may anak na raw sina Richard and Sarah, “In some scenes, makakasama si Sarah.

Panoorin niyo na lang kung sinu-sino ang makakasama namin sa show,” ang safe na sagot ni Chard. “Excited na akong i-tweet ito noon pa sa mga friends ko sa social media kaya lang bawal pa before today’s announcement.

Oh yes, my friends will be part of the show too. Alam na nila that everywhere our family goes ay kinu-cover kaya okay lang daw na makunan sila with us,” shares Raymond.

“Masaya ang show na ito. We will be going to many places and will take a cruise sa Asia. Ang role ko bale sa family namin ay consultant nila na hindi naman nila actually kinu-consult. Ha-hahaha!” biro ni Tito Eddie.

Basta kami, sobrang aliw kami and definitely ay susubaybayan namin ito if only for Tita Annabelle. Ini-imagine na namin kung papaano siya magtatalak in many scenes nila.

“Hindi naman ako magmumura sa show kasi bawal, di ba? Mabait na ako ngayon, ‘no! Pero siyempre, makikita nila kung paano ako magalit sa mga anak ko pag nagloka-lokahan sila.

Basta panoorin niyo na lang. Kasi ang problema ko rito ay Inglesan silang nang Inglesan kaya ako na lang ang magta-Tagalog.
“Kasi ang lalalim nilang mag-Ingles kaya nahihilo ako sa kanila.

Pag hindi ko sila maintindihan, humanda sila at tatalakan ko talaga sila. Pero siyempre, mahal ko ang pamilya ko pero may times na talaga namang nabubuwisit ka rin pag matigas ang ulo, di ba?” ani Tita Anabelle na tiyak na siyang pinaka-star ng palabas na ito dahil she’s very frank and vocal. Making it a true reality show.

“As the home of the most topical pop culture buzz on celebrities, daily entertainment news and live red carpet coverage, E! is the perfect fit for a no-holds-barred series on the Gutierrez family,” commented Christine Fellowes, managing director, Asia Pacific, Universal Networks International.

“We are delighted that they are opening up their lives and that we are able to bring this locally relevant content to our E! audience in the Philippines.”

Michael Carandang, Business Unit Head of One Mega Group’s TV100 said, “It Takes Gutz To Be A Gutierrez is the first of its kind in the Philippines and, as both fans of E! and the Gutierrez family, it’s a dream come true for One Mega Group’s TV100 to be a part of this exciting new show; we consider it a match made in red carpet heaven”.

Anyway, It Takes Gutz To Be A Gutierrez will launch on E! Skycable Channel 57, Cignal Channel 25 and Cablelink Channel 33, later in 2014.

Read more...