John Lloyd balik-trabaho na matapos ‘masira’ ang mukha


Balik-trabaho na uli si John LLoyd Cruz matapos maaksidente sa bike habang nagsu-shooting sa Mt. Pinatubo ilang linggo na ang nakararaan.

Kinailangan pa kasing pagalingin ang sugat ng aktor sa mukha na siyang napuruhan nang bumagsak siya mula sa sinasakyang bisekleta.

Ayon sa Star Magic, maayos na maayos na ang kundisyon ni Lloydie at bumalik na rin ang sigla nito nang mag-report sa set ng sitcom nila ni Toni Gonzaga sa ABS-CBN. Matatandaang hindi rin nakarating ang aktor sa presscon ng bago niyang endorsement kasama si Anne Curtis dahil sa aksidente.

Read more...