Sorry na lang sa Italian GF, James uunahin muna ang kinabukasan ng anak

UUNAHIN muna ni James Yap ang obligasyon niya sa anak niyang si Bimby Aquino Yap bago ang pagpapakasal niya sa Italian girlfriend na si Michaela Cazzola.

Tsika ng kaibigan naming malapit sa basketbolista wala pa sa plano nito ang pagpapakasal, “Wala pa, malayo pa kasi uunahin muna ni James ang gastusin ni Bimby, pagpapaaral nito at siyempre, ngayon lang ulit sila nagkita ng anak, so marami siyang inaayos pa.

“Plus ‘yung negosyo niyang restaurant sa Negros (probinsiya ni James), though pamilya naman niya ang namamahala, pero siyempre, tinututukan din niya yun.

Tapos ‘yung negosyo niya rito (Manila) na motorsiklo, kailangan niyang tutukan din,” say sa amin. Sobrang saya raw ng ex-husband ni Kris Aquino ngayon dahil bukod sa nakakasama na niya si Bimby ay bati na sila ng ex-wife at higit sa lahat, okay din ang career at lovelife niya.

Sabi nga namin, bongga si James, nalagay niya sa mga negosyo ang perang pinaghatian nila ni Kris.  At least wala ng isyu ang dating mag-asawa at hindi na sila magkikita muli sa korte,  di ba bossing Ervin. (Tomohhhhh!!! Ha-hahaha!)

Read more...