Gabby galit na galit kay Piolo

Ni hindi man lang daw nagpakilala sa kanya

TAPOS na ang grand presscon ng “Yesterday Today Tomorrow” nu’ng Martes ng gabi nang dumating si Gabby Concepcion kaya naman iilan na lang ang naka-interview sa kanya tungkol sa anak niyang si KC Concepcion na may matinding pinagdadaanan ngayon sa kanyang lovelife.

Matatandaang naisulat namin dito sa BANDERA na nabanggit ni Gabby sa pictorial ng buong cast ng “Yesterday Today Tomorrow” na hindi niya personal na kakilala ang recent ex-boyfriend ni KC dahil hindi naman daw sila personal na naipakilala sa isa’t isa.

Pero nabanggit ng ama ni KC na nagkikita sila ng lalaking naging karelasyon ng anak at “hi and hello” lang naman daw ang batian nila bagay na naintindihan namin ang ibig sabihin ng ama ng aktres.

Bilang ama ay nanghihintay si Gabby na kausapin siya ng lalaking naugnay noon sa anak bilang respeto sana o para ipakilala ang sarili pero hindi  ‘yun nangyari.


Hindi pa umaamin noon si KC sa The Buzz na break na sila ng kanyang ex kaya hindi pa rin nagsasalita si Gabby at sa katunayan ay nagpasabi pa siya na baka magkaayos pa ang dalawa.

At ngayong umamin na ang dalaga na wala na nga sila ng dating karelasyong aktor ay saka na nagpahayag si Gabby ng saloobin sa nangyari sa panganay niya.

“As a father, of course, I’m hurting. Only because ngayon lang ako naka-experience na, mula noong umuwi ako, na nagkaroon ng relasyon ang anak ko,” pag-amin ni Gabby.

At diretso pa niyang inamin na, “I’m mad at the person who hurt the feelings of my daughter. I think it’s normal. Nagkataon lang na nasa showbiz ang karelasyon niya. Nakita ko sa TV how she was hurt.

“I thought my daughter how to swim, how to ride a bike, how to do all that, and para paiyakin lang nang ganu’n ng isang tao, masakit!”

“Tingin ko lang, ang mga taong manliligaw sa anak ko, sa umpisa pa lang, dapat tunay na. Hindi tayo dapat magpakita ng sinasabi nila na best foot forward.

“Ano ba naman yung sabihin mo, ‘Sir, I have the best intentions for your daughter.’ I would have done the same thing,” pag-amin ni Gabby.
At ang payo pa ni Gabby sa mga manliligaw sa anak, “Basta ama ako ng anak ko.

Whatever mistakes were done to my children, it is proper for anyone to approach the father, the mother, or anybody he has hurt. He needs to do what he needs to do.”

Samantala, sa pelikulang “Yesterday Today Tomorrow” si Maricel Soriano ang ex-wife ni Gabby at si Carla Abellana naman ang magiging young girlfriend niya.

Hindi maikakailang ilang taon ang agwat ng edad ni Gabby kay Carla pero hindi naman halata dahil na rin siguro sa mature looking ang aktres.

Sa katunayan ay ikinuwento pa ni Gabby na, “”I was there nu’ng ipinanganak ang sister ni Carla. Nu’ng nasa ospital si Sharon (Cuneta), nagkita kami ni PJ (Abellana) along the hallway at nanganganak noon si Sharon kay KC.

“Sabi ko, ‘Pare, anong ginagawa mo rito? Nabalitaan mo yata na manganganak na si Sharon. At sabi ni PJ, ‘Pare, manganganak na rin ang asawa ko.’ At ngayon, makakasama ko na si Carla sa pelikula,” saad ng aktor.

Read more...