Dear David,
PALAGI akong nagbabasa ng kolum mo. Isa akong medical attendant sa isang klinika pero maliit lang ang suweldo ko. Graduate ako ng midwifery. Panganay ako sa apat na magkakapatid.
May aplikasyon ako sa ibang bansa, matuloy kaya ako? Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang mahihiwagang numero na bumabalot sa aking buhay.
Ipinanganak ako noong Mayo 12, 1970. Ano ba ang buwenas na negosyo para sa akin? Bigyan mo rin ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan at petsa?
CORAZON NG SOCSARGEN
Dear Corazon,
MAYROON kang matibay na disposisyon sa buhay. Strong ang iyong personalidad. Kasi’y taglay mo ang mahiwangang No. 3.
May dugo kang martir, hindi nakatatakot sa kamatayan at may kakayahang isakripisyo ang sariling kaligayahan kapag nakataya ang kapakanan ng mga minamahal.
Pero, taglay mo rin ang mahiwagang No. 7 na nagsasabi na paminsan ay nagdurugo ang iyong puso kapag nakakakita ka ng paghihirap ng kapwa.
Marami kang magiging kaibigan na tutulong at susuporta sa iyong ipinakikipaglaban. Walang duda na makakapag-abroad ka, isang matalik na kaibigan ang aasiste sa iyo sa pag-aabroad at matutupad ang iyong mga pangarap.
Buwenas ka sa negosyo na nagseserbisyo sa kapwa. May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong 2013, 2014 at 2016 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na kabuhayan.
Buwenas ka sa mga buwan ng Mayo, Oktubre at Disyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 12, 18, 23 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng Huwebes at Miyerkules.
Kulay asul at berde ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo ang No. 3 at No. 7 ang No. 8. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-5-11-18-22-28-34-38-40-42.
ASSET tips: 4-8-7/ 1-2-4/ 7-3-6. Wiretips: 2-3-6/ 7-2-1/ 4-7-8/ Double digit: 2-6/ 9-2/ 1-5. Luzon guide: 1-5-11-18-22-27-34-37-40-42. VisMin: 1-5-12-24-33-36-38-40-42. MegaLotto: 1-5-11-17-22-28-34-37-40-42. Four Number: 2-5-1-2/ 7-2-4-2/ 7-1-2-1.