Aaron Villaflor naghahanda nang magpakasal, nagpapayaman na


Nanghinayang ang dating Star Circle Quest first placer na si Aaron Villaflor na hindi niya nasungkit ang isang milyon sa The Singing Bee nu’ng aksidenteng magkita kami sa isang resto sa ABS-CBN.

That time, katatapos lang din ni Aaron sa isang meeting for his next project sa Kapamilya network. Last year pa nga naman natapos ang huling show nila na Juan dela Cruz at walang kasunod agad na proyekto si Aaron.

Nanalo pa mandin si Aaron ng award sa Star Awards for TV last year for his performance as kontrabida ni Coco Martin sa said fantaserye, and now, wala siyang show.

Parang kailan lang nu’ng bagets na bagets pa si Aaron habang nagko-compete sa second batch ng SCQ kung saan nanalo si Erich Gonzales. And now, naghahanda na siya for his future kasama ang kanyang non-showbiz girlfriend for three years.

Isang certified nurse ang girlfriend ni Aaron pero pareho silang hindi pa nag-iisip na mag-settle down. “Bata pa po ako. Gusto ko mag-asawa kapag 30 na po ako,” ngiti ni Aaron sa amin.

Tinawag naman kaming “mommy” ni Aaron since nakilala raw niya kami nu’ng simulang-simula pa lang niya as contestant sa reality artista search ng ABS-CBN.

Pero tumanggi kaming patawag na mommy kay Aaron. Sabi namin sa kanya, mas prefer namin na tawagin na lang niya kaming tita.

Ilang minuto lang after namin mag-part ways ni Aaron, nakasalubong naman namin ang mahusay na direktor na si Direk Malu Sevilla. Siya pala ang direktor ng bagong teleserye nina Coco Martin at Kim Chiu, ang Ikaw Lamang.

Hindi raw niya kami nakita sa presscon ng show. Sey namin kay Direk Maku, hindi naman kami invited kaya wala talaga kami roon. Just the same, my support will be with her naman.

Dahil sa kasipagan at husay ni Direk Malu hindi siya napapahinga ng matagal. Madalas pa nga nagkakapatung-patong ang mga show niya sa ABS-CBN. No wonder, isa siya sa mga pinakamayamang direktor sa showbiz.

May nagsabi nga raw na belong siya sa mga mayayamang haciendero sa bansa. Sasagutin nga raw sana niya na si Gabby Lopez, may-ari ng ABS-CBN, daw ang haciendero at hindi siya.

Anyway, simula na sa Lunes ang bagong serye ni direk Malu and we just wish her the best.

Read more...