James kay Kris: Dapat happy rin lovelife niya!


Wish ni James Yap na sana nga’y matagpuan na ng ex-wife niyang si Kris Aquino ang tunay na pag-ibig. Nabalitaan ng PBA player na in love nga ngayon si Queen of All Media at maligaya raw siya para sa dating misis.

Ayon kay James, sana raw ay maging happy na ang lovelife ni Kris, deserving naman daw ang TV host-actress na magkaroon ng taong mamahalin at magmamahal sa kanya. “I’m happy for her.

Kailangan masaya rin siya sa lovelife niya. Sana maging happy siya,” sey ng basketbolista. Bukod dito, natupad na rin ang isa sa mga wish ni James – ang regular na makasama ang anak na si Bimby.

Nagsimula na noong Biyernes ang regular visitation rights ng cager kay Bimby. Ito’y matapos ngang magkasundo ang dating mag-asawa na kailangang magkita ang mag-ama tuwing Biyernes.

Ayaw nang magdetalye ni James tungkol dito bilang respeto na rin daw kay Kris. Nang hingan daw ng media ng mensahe si James para kay Bimby, ito lang ang kanyang nasabi, “Gusto ko sabihin sa anak ko na mahal na mahal ko siya.”

Read more...