Coco sa panliligaw kay Julia: Wala, e, bawal pa talaga, bata pa po siya!

AYAW magsalita nang tapos ni Julia Montes tungkol sa posibilidad na magkaroon sila ng seryosong relasyon ng Teleserye King na si Coco Martin. Muling magkakasama ang dalawa sa bagong soap opera ng ABS-CBN na Ikaw Lamang.

Natanong ng press sina Julia at Coco kung totoo bang may relasyon na sila at itinatago lang nila ito sa publiko. Parehong nagdenay ang dalawa, pero hindi naman daw imposible na magkadebelopan sila in the future.

Pero sey nga ni Julia, “Focus po muna sa work, trabaho talaga ang priority ko. Siya talaga ang nag-a-advise sa akin, talagang ginagabayan niya ako. He’s really a good friend.

“Kung puwedeng maging kami? Mahirap magsalita nang tapos,” sey ni Julia pero sey niya boyfriend material naman talaga si Coco. “Kasi nakikita naman natin kung gaano siya kabuting tao.

‘Yun nga, sinabi ko kanina, wala siyang masamang tinapay, talagang family-oriented siya,” esplika pa ng dalaga. Noon, napabalitang nililigawan na ni Coco si Julia, ito ‘yung kasagsagan ng tagumpay ng serye nilang Walang Hanggan, kaya muling inusisa ang aktor kung balak ba niyang muling ligawan si Julia, “Siguro saka na pag stable na, pag reding-ready na.

Ako kasi, mas naniniwala ako doon sa mas kinikilala niyo ang isa’t isa. “Ngayon, sabi ko nga, yung relationship namin ni Julia, parang mas tumitindi yung pagiging magkaibigan namin.

Ang nakakatakot nga, baka mapunta lang sa pagiging magkaibigan. “Pero para kaming magkapatid, lalung-lalo na ako sa side ng family niya, kina Lola.

Kumbaga, nakita nila kung paano ko alagaan si Julia at paano niya ako kasama bilang leading man,” chika pa ng award-winning Kapamilya actor.

Sa tingin ba niya, posibleng mauwi sa seryosong relasyon ang magandang friendship nila? “Siguro nga, pero dahil mas may edad na ako, halos kalahati ng edad ni Julia…siguro ‘yung maturity sa buhay, kumbaga.

Sa akin, sa totoo lang, dapat pakiligin namin ‘yung mga tao. “Pero sa akin kasi, gusto ko siyang simulan sa friendship, e, sa mature na paningin ng tao,” sey pa niya.

So, open siya sa posibilidad na ma-develop sila ni Julia?  “Hindi naman, kasi mahirap namang magsalita nang tapos. Baka mamaya, later on, alam mo ‘yun?”

Sinabi rin ng aktor na girlfriend-material si Julia, “Sobra… pero bawal pa. Bata pa!” natatawang sagot pa ni Coco. Inisa-isa rin ng Teleserye King ang mga qualities ni Julia na nagustuhan niya, “Unang-una ‘yung prinsipyo, yung pananaw sa buhay.

Di ba, ‘yung pagtatrabaho niya para sa pamilya niya, pagrespeto at pagmamahal niya sa pamilya niya? “At saka ‘yung dedikasyon niya sa trabaho.

Kasi sa akin, ‘yung pagiging maganda, ‘yung pagiging sexy, pag simula lang iyan, e, sa isang relasyon.Pero later on, ano ba ‘yung pagkatao ng isang tao,” paliwanag pa nito.

Speaking of Ikaw Lamang na magsisimula na sa March 10 sa Primetime Bida ng ABS-CBN, sina Coco at Kim Chiu ang magiging magka-loveteam, at sinasabing magiging suporta na lang si Julia na una na niyang naging leading lady sa Walang Hanggan.

May explanation naman diyan si Coco, “Ako, honestly, expected ko na ganun ang magiging reaksiyon ng mga tao kasi bagong combination.

Pero ang nakakatuwa dito, bakit kaming apat (Coco, Kim, Julia at Jake Cuenca) ang napili para rito? “Pag napanood niyo ‘yung kuwento, actually ‘yun ang fomula kung bakit kami pinagsama.

At ini-expect din namin na ‘yun ang tatanungin ng mga tao na bakit si Julia, parang naging love triangle at sumuporta dito.
“Kumbaga, pag napanood ninyo na ang kuwento, ‘yun ang magpapaliwanag.

Pero magugulat na lang kayo kasi maganda ang role ni Julia rito,” litanya ni Coco. In fairness, nakakalula ang cast ng Ikaw Lamang, bukod nga kina Coco, Kim, Julia at Jake, makakasama rin dito sina Cherrie Pie Picache, Cherrie Gil, Angel Aquino, Daria Ramirez, Meryll Soriano, Tirso Cruz III, Ronaldo Valdez, John Estrada, Spanky Manikan at Lester Llansang.

Ito’y sa direksiyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco, sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment na pinamamahalaan ni Deo Endrinal.

Read more...