Aljur pinag-iingat sa mga beking mahilig manghipo | Bandera

Aljur pinag-iingat sa mga beking mahilig manghipo

Ervin Santiago - March 09, 2014 - 03:00 AM


TIYAK na magpipiyesta ang mga bading sa hubad na katawan ni Aljur Abrenica sa fantaseryeng Kambal Sirena ng GMA 7 na magsisimula na bukas ng gabi sa TeleBabad.

Niloloko nga ng press people ang Kapuso hunk actor na baka raw may bading na bigla na lang manggigil sa kamachuhan niya at bigla na lang siyang dakmain.

Sa trailer pa nga lang ng Kambal Sirena kung saan ilang beses ipinakita ang hubad niyang katawan ay halos mabaliw-baliw na ang kanyang mga beking fans, e, di lalo na kapag nagsimula na ito sa ere sa Lunes.

Hindi ba’t nang kumalat ang litrato ni Aljur kung saan naka-wetsuit siya at bakat na bakat ang kanyang pagkalalaki ay talagang naglaway ang kanyang fans, kaya nga napilitan si Aljur na tanggalin ang nasabing picture sa kanyang Instagram account.

Nako-conscious ba ang aktor kapag lagi na lang ginagawang issue ang kanyang bukol? “Huwag n’yo na lang pansinin, hindi ako maaasiwa!” natatawang sagot ng Kapuso leading man.

Naku, kailangang mag-ingat din si Aljur sa paglabas-labas niya dahil sigurado kaming maraming gustong manghipo sa kanya, lalo na ang mga bading na laway na laway sa kanyang pototoy. Ha-hahaha!

Inamin naman ng binata na nape-pressure rin siya sa nalalapit na pagsisimula ng Kambal Sirena na pagtatambalan nila ni Louise delos Reyes.

“Oo nga, e. Hindi pa nagsi-sink in sa akin na lalabas na kami sa Monday, e. Basta ako, I’m very excited. We’re aware na may competition but hindi namin, mas nagpo-focus kami sa kung ano ‘yung kaya naming gawin bilang isang artist,” tugon ng binata.

Makakasama nina Aljur at Louise sa Kambal Sirena sina Chanda Romero. Lotlot de Leon, Winwyn Marquez, Tessie Tomas, Nova Villa, Mickey Ferriols, Yul Servo, Pancho Magno, Angelica Dela Cruz, Polo Ravales, Rich Asuncion at Mike Tan.

Ito’y sa direksyon ni Dondon Santos. Pero bago nga ito magsimula, mapapanood muna ang cast ng fantaserye ngayong hapon sa Tanay Town Center.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending