Hindi pa rin magiging malamig ang Pasko ni Sarah Geronimo.
Feeling model din si Sarah na sumali sa short fashion show na ibinigay ng Unica Hija to showcase its holiday collection for 2011.
Everyone is telling her she’s glowing pero sinisiguro ni Sarah na loveless pa rin siya ngayon.
Hindi raw sila ni Gerald Anderson, ang partner niya sa still showing na “Won’t Last A Day Without You” from Star Cinema and Viva Films at hindi rin daw nanliligaw sa kanya ang binata.
Promise ni Sarah sa press, next time daw siyang magkaka-boyfriend hindi niya na ito itatago unlike sa kanyang past relationship.
Kung saka-sakali raw kasi, she wants her next boyfriend to be her last at ito na ang pakakasalan niya.
Inamin niyang nakita niya ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki kay Gerald pero ayaw niya namang mag-assume na manliligaw ito sa kanya.
The three year endorser of Unica Hija won’t be SMP naman as in Samahan ng Malalamig ang Pasko.
Hindi niya naman daw kailangang magkaroon ng boyfriend para uminit ang Christmas season as she still has the love of her family.
As to her next projects naman, sisimulan na nila ni John Lloyd Cruz ang third pairing nila at malamang na magkaroon din siya ng bagong show sa ABS-CBN.
Hindi niya pa rin alam kung saan siya magpa-Pasko but definitely she will be in Unica Hija dress. Promo!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.