Marian nagpasalamat sa papuri ng Kapamilya stars sa FHM cover

MARIAN RIVERA

Todo pasasalamat naman si Marian Rivera sa mga Kapamilya stars na nagpahayag ng paghanga sa kanya matapos lumabas ang anniversary issue ng FHM kung saan siya nga ang cover.

Hindi lang kasi mga Kapuso stars ang pumuri sa kaseksihan at kakinisan ni Marian sa nasabing pictorial, kundi pati mga Kapamilya stars like Anne Curtis, Bianca Gonzales and Kathryn Bernardo.

“Si Anne kasi ay kaibigan ko naman talaga. Si Anne, nagkikita kami sa shoot. Hindi man kami nagte-text-an o lumalabas na magkasama e alam namin na magkaibigan kaming dalawa.

“Tapos si Kathryn kasi is naging young Marian sa Endless Love noon at naging malapit din sa akin iyang bata na iyan. So, nakakatuwa. Thank you, thank you, at least na-appreciate nila yung ganyan.

“Kahit na hindi ako taga-kanila (ABS-CBN), at least, ‘di ba, dito nawawala yung wall ng networks na hindi naman masamang pumuri at magmahal ng iba kahit na hindi mo ka-network,” pahayag ng Primetime Queen ng GMA sa press launch ng pagiging endorser niya ng Sof & MMMMM Premium Fragrances fabric conditioner kamakailan.

Si Marian nga ang napili (unanimously) ng naturang kumpanya para maging celebrity endorser.

Hindi sinabi sa amin ng mga may-ari ng kumpanya kung magkano ang kanilang ibinayad sa aktres para pumayag itong maging ambassador nila pero sa simpleng description na sinabi nila sa amin, keri na naming “expensive” ang TF ni Marian.

Read more...